Delivery rider, nagawa pa ring dumalo ng online class habang nasa trabaho
- Viral ang larawan ng isang delivery rider na na nagagawa pa ring dumalo sa kanilang online class habang nagtatrabaho
- Nakuhanan ng larawan ang 21-anyos na Grab delivery rider na naka-parada sandali at nagklase pa rin gamit ang kanyang cellphone
- Kinakailangan daw niya itong gawin upang makatulong sa gastusin ng kanyang pamilya
- May sakit ang kanyang ama na inaalagaan ng kanyang ina kaya naman siya na mismo ang nagha-hanapbuhay para sa kanilang pamilya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umantig sa puso ng mga netizens ang larawan ng isang delivery rider na pansamantalang pumarada para lang makapag-klase gamit ang kanyang cellphone.
Nalaman ng KAMI na ito ay ang 21-anyos na si Francis Ax Valerio na communications student ng Adamson University.
Ayon sa Rappler, kuha ito ng kapwa niya Grab delivery rider na si Christian Lorenz Ñunez.
Makikitang hawak ni Valerio ang cellphone hindi para mag-abang ng orders kundi para makadalo sa kanilang online class.
Ginagawa raw ito ng working student tuwing siya ay naka-break o di naman kaya ay kung wala pang dagsa ng delivery ayon sa Radyo Singko 92.3 News FM.
Ngunit sa panayam ng ABS-CBN News kay Valerio, sinabi niyang kinailangan niya itong gawin dahil na-stroke ang kanyang ama nito lamang Hulyo.
Ang kanyang ina na isang government employee ay hindi rin makapagtrabaho dahil ito ang nagbabantay sa ama.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Bukod kay Francis, may isa pa siyang grade 10 student na kapatid na kailangan din niyang suportahan.
Kwento pa ng rider, bago pa man mag-pandemya, tumutulong na siya sa kanilang pamilya.
Dati siyang nagtrabaho sa isang fast food chain at ngayon nga ay minabuti niyang maging delivery rider.
"Naaawa po ako sa Mama ko dati nakikita ko siya naiyak 'pag wala siya mabigay sa'min kaya nagpursige na po ako magtrabaho," pahayag ni Valerio.
Ito raw ang lalong nagpalakas sa kanya para hindi sukuan ang mga pinagdaraanan niya sa buhay.
"Laban lang, huwag po tayo magpapatalo sa pagsubok sa buhay. Pagpapatuloy lang natin ang pagsisikap natin," payo ni Ax.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa panahong ramdam natin ang hirap na dala ng pandemya, nagbibigay inspirasyon sa atin ang mga kwento ng buhay tulad nang ibinahagi ni Ax.
Ang ilang kabataang tulad niya ay natututo na ring dumiskarte sa buhay para lamang makatulong sa kanilang pamilya.
Ang ilan naman na nawalan ng trabaho dulot pa rin ng krisis ng COVID-19 ay naging bukas sa ibang oportunidad na maari pagmulan ng kanilang pantustos sa pangaraw-araw.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh