8 magkakapatid na iniwan ng ina at ulila sa ama, magkaka-house and lot na sa tulong ni Tulfo
- Mabibiyayaan na ng lupa't bahay ang magkakapatid na ulila na sa ama at iniwan pa ng kanilang ina
- Sa tulong ni Raffy Tulfo, mapapatayuan na ng bahay na may apat na kwarto at dalawang banyo ayon sa kahilingan ng magkakapatid
- Ang kanilang mayor naman ng Oroquieta City ng Misamis Occidental ang nagpresinta na maghanap ng lupang pagtitirikan ng bahay na pagagawa ni Tulfo
- Binalaan din ni Tulfo ang ina na huwag nang babalik sa mga anak sa oras na maipatayo na niya ang bahay para sa mga ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Mabibiyayaan na ng bahay at lupa ang walong magkakapatid ng pamilya Mahinay na ulila na sa ama at iniwan pa ng ina na sumama umano sa ibang lalake.
Nalaman ng KAMI na talagang desidido na si Raffy Tulfo na patayuan ng bahay ang magkakapatid lalo na at maraming netizens ang naantig sa kwento ng magkakakapatid na ito.
Nang makapanayam ni Tulfo si Mayor Lemuel Mayrick Acosta ng Oroquieta City sa Misamis Occidental, siya na umano ang bahala sa lupa na pagtitirikan ng bahay ng magkakapatid.
Si Tulfo naman ang sasagot sa pagpapatayo ng bahay na ang kahilingan ng mga bata at apat na kwarto para magkahiwalay ang mga babae sa lalaki. Dalawa na rin daw na palikuran ang ipatatayo ni Tulfo dahil sa marami ang makakapatid.
Nagpasalamat mismo ang magkakapatid na kasama rin noon ang nagmalasakit sa kanila ng humingi ng tulong sa "Wanted sa Radyo" na si Mercedita Babo Itom.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Kasama ng DSWD ng lugar, si Mercedita ang pansamantalang tumutulong sa magkakapatid para lamang makakain ito sa araw-araw.
Samantala, binalaan naman ni Tulfo ang ina ng walo na huwag na huwag nang babalikan pa ang mga anak sa oras na maipatayo na niya ang bahay.
Pangamba kasi nila, na baka pag nabalitaan ng ina na may bahay at lupa na ang kanyang mga anak ay bumalik ito at isama pa umano ang bago nitong kinakasamang lalaki.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may 19 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan ay natulungan din ni Tulfo ang isang taho vendor na bitbit ang anak sa paglalako dahil iniwan umano siya ng kanyang misis. Nagkaroon ito ng sariling food cart business mula kay Tulfo.
Gayundin ang isang batang nakaligtas nga sa COVID-19 subalit naging stage 4 naman ang cancer nito. Patuloy na sinusuportahan ni Tulfo ang gamutan ng bata.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh