Tahanan ng naiwang pamilya nina Sonia at Frank Gregorio, napatapos na ni Raffy Tulfo

Tahanan ng naiwang pamilya nina Sonia at Frank Gregorio, napatapos na ni Raffy Tulfo

- Natapos na ang tahanan ng naiwang pamilya nina Sonia at Frank Gregorio sa tulong ni Raffy Tulfo

- Ito matapos ang nasa isang buwan na pagpapagawa nito at malaki ang pinagbago nito mula nang maganap ang krimen

- Nabigay na rin ang ipinangakong negosyo ni Tulfo sa pamilya Gregorio

- Bukod sa mga ito, patuloy pa ring nakatutok ang programa ni Tulfo sa pag-usad ng kaso ng pamilya Gregorio laban kay Jonel Nuezca

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talagang umaapaw ang suporta ni Raffy Tulfo sa naiwang pamilya nina Sonia at Frank Gregorio na napaslang umano ng dating pulis na si Jonel Nuezca bago matapos ang taong 2020.

Nalaman ng KAMI na kamakailan ay napatapos na ng pamilya Gregorio ang kanilang tahanan sa tulong ni Tulfo.

Nang kumustahin ng staff ni Tulfo ang pamilya Gregorio, ipinakita ng mister ni Sonia na si Florentino ang bagong bihis nilang tahanan na talaga namang malaki na ang ipinagbago buhat nang mangyari ang karahasan sa kanyang misis at anak.

Read also

Sharon Cuneta, sinupalpal ang basher na nanghamak sa kanya

Tahanan ng naiwang pamilya nina Sonia at Frank Gregorio, napatapos na ni Raffy Tulfo
Raffy Tulfo (Photo from @raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Ipinasilip ni Tatay Florentino ang bawat silid sa kanilang bahay kung saan kasama pa rin niya ang kanyang mga anak.

Maging ang kwarto sana ng yumaong anak na si Frank ay inayos pa rin ng pamilya at isa sa mga kapatid na niya ang tutuloy rito.

Pinabendisyunan na rin sa pari ang bahay upang patuloy na mamuhay ng matiwasay ang kanilang pamilya sa kabila ng sinapit na trahedya.

Maging ang negosyo na ipinangako ni Tulfo para sa pamilya Gregorio ay naipagkaloob na rin niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Labis na nagpapasalamat ang mga naiwang kaanak nina Sonia at Frank kay Tulfo sa lahat ng tulong at suportang ibinigay nito sa kanila mula noong burol hanggang ngayon na patuloy na umuusad ang kaso.

Nangako naman ang programa ni Tulfo na tututok pa rin sila sa kaso laban kay Nuezca hanggang sa makamit na ng pamilya Gregorio ang inaasam nilang hustisya para sa mag-inang sina Sonia at Frank.

Read also

Valentine Rosales of Dacera case shares cryptic post: "kaumay na"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Disyembre 20, ilang araw bago mag-Pasko noong 2020 nang maganap ang karumaldumal na pagpaslang sa mag-inang sina Sonia at Frank Gregorio ng dating pulis na si Jonel Nuezca.

Sa pagtutok ng Raffy Tulfo in Action sa kaso, napag-alamang umabot ng Php70 million ang danyos na hinihingi ng pamilya Gregorio kay Nuezca at pagdurusahan din umano nito sa kulungan ang kasong ipinataw sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel