Valentine Rosales of Dacera case shares cryptic post: "kaumay na"

Valentine Rosales of Dacera case shares cryptic post: "kaumay na"

- Sa bagong post ng isa sa mga akusado sa kaso ng flight attendant na si Christine Dacera, tahasan nitong sinabi ang kanyang saloobin

- Bagaman at hindi nilinaw ni Valentine Rosales kung para saan o kanino ang post, may ilang nagkomento na tungkol ito sa kaso ng kanyang kaibigan

- Naibahagi rin ang post ilang oras matapos na mailabas ng NBI ang rekomendasyong kasuhan ang mga kaibigan ni Dacera

- Kasama rin sa makakasuhan ay ang medico-legal officer na nagpasagawa ng pag-embalsamo sa labi ni Dacera nang wala pang pahintulot ng kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa bagong post ng isa sa mga akusado sa kaso ni Christine Dacera na si Valentine Rosales, diretsahan nitong inihayag ang kanyang saloobin na tila patungkol sa itinatakbo ng naturang kaso.

Nalaman ng KAMI na ang post ay ibinahagi ni Valentine ilang oras matapos lumabas ang balitang inirerekomenda na ng NBI na makasuhan ang mga kaibigan ni Dacera kung saan kabilang si Rosales.

Read also

Sharon Cuneta, sinupalpal ang basher na nanghamak sa kanya

Gayundin ang medico-legal officer na nagpasagawa ng pag-eembalsamo sa labi ng flight attendant nang wala pang consent ang pamilya ng dalaga.

Valentine Rosales of Dacera case shares cryptic post: "kaumay na"
Valentine Rosales (Photo from @valentinersls)
Source: Facebook

Sa post ni Valentine, sinabi nitong "Awat na bes, ka umay na." Bagaman at wala siyang malinaw na pinatutungkulan, mapapansin naman sa comment section na bumuhos ang mga suporta sa kanya ng mga kaibigan at netizens kaugnay sa kaso ni Dacera.

Ang isa pang komento ay nakuha pang sagutin ni Valentine ng pasasalamat at may pagmamahal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, ayon sa GMA News, patong-patong na kaso ang inihain ng NBI ngayong Marso 12 laban sa 11 mga respondents ng kaso ni Dacera.

Isa si Valentine Rosales sa mga kaibigan na nakasama ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera bago siya makitang wala nang buhay sa bathtub ng tinuluyang kwarto sa City Garden Hotel sa Makati noong Enero 1. Nadakip pa ang tatlo, subalit pinalaya rin dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Read also

Tahanan ng naiwang pamilya nina Sonia at Frank Gregorio, napatapos na ni Raffy Tulfo

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Noong Pebrero, ay ginunita ng mga kaibigan ni Dacera ang ika-40 na araw mula nang siya pumanaw.

Karamihan sa mga mensaheng naibahagi sa kani-kanilang mga social media pages ay ang pagmamahal at pagka-miss nila sa "only girl" at "baby girl" girl ng grupo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel