Christine Dacera, inalala ng mga kaibigan sa ika-40 araw mula nang siya'y pumanaw

Christine Dacera, inalala ng mga kaibigan sa ika-40 araw mula nang siya'y pumanaw

- Ginunita ng ilang mga kaibigan ni Christine Dacera ang kanyang ika-40 na araw mula nang siya ay pumanaw

- Ilan sa mga kaibigan niya na inalala siya ay sina JP Dela Serna, Rommel Galido, Rey Englis, Eduard Madrid at si Gigo De Guzman

- Sila rin umano ang mga kasalukuyang mga respondents sa kaso ni Dacera bilang sila ang mga huling nakasama nito bago siya pumanaw

- Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay si Dacera sa bath tub ng tinuluyan nilang room sa hotel sa Makati kung saan sila nagdiwang ng Bagong Taon kasama ang mga kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inalala ng mga kaibigan ni Christine Dacera ang ika-40 araw mula nang siya'y pumanaw.

Pebrero 9 nang magbahagi sa kani-kanilang Instagram stories ang ilang mga kaibigan ni Dacera na sina JP Dela Serna, Rommel Galido, Rey Englis, Eduard Madrid at si Gigo De Guzman ng mensahe sa yumaong kaibigan.

Ina, inireklamo ang manugang at anak na umano'y nambabastos sa kanya

Sa post ni JP Dela Serna, ibinahagi nito ang group picture nila kasama ang kanilang "baby girl" na si Dacera.

Christine Dacera, inalala ng mga kaibigan sa ika-40 araw mula nang siya'y pumanaw

Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

Sa mensahe ni Dela Serna sa yumaong kaibigan, nabanggit nito ang kahilingan na magkaroon na ng katahimikan ang kani-kanilang mga pamilya gayung mahal na mahal naman daw nila si Dacera.

Miss na raw ni Rommel Galido ang "only girl" nila sa group na si Dacera at inalala rin nito ang lagi raw binabanggit ng pumanaw na kaibigan na "Love yahh gurl."

Christine Dacera, inalala ng mga kaibigan sa ika-40 araw mula nang siya'y pumanaw

Rommel Galido (@rom_tisoy)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Samantala, larawang nasa beach naman ang binahagi ng isa pang kaibigan ni Dacera na si Rey Englis.

Alam daw niyang nagtatampo ang kanyang "dzai" dahil sa hindi raw niya ito naimbitahan muli. Ganoon pa man, alam naman daw ni Englis na nasa mas maayos na lugar na ang kanyang kaibigan. Binahagi rin ni Valentine Rosales ang post na ito ni Englis.

Nag-viral na ale dahil sa pangungutya sa mga miyembro ng LGBT, kinasuhan na
Christine Dacera, inalala ng mga kaibigan sa ika-40 araw mula nang siya'y pumanaw

Rey Englis (@rey_englis)
Source: Instagram

Maging ang kakikilala lamang umano noon ni Dacera na si Gigo De Guzman ay ginunita rin ang pagpanaw ng bagong kaibigan.

Ibinahagi ni Gigo ang post ni Galido, kalakip ang mensahe kay Christine na "Wish we had more time... Rest well babe!"

Christine Dacera, inalala ng mga kaibigan sa ika-40 araw mula nang siya'y pumanaw

Gregorio De Guzman (gigodg86)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasama ni Dacera ang mga kaibigan niyang ito na nagdiwang ng Bagong Taon sa room 2209 ng City Garden Grand hotel sa Makati City.

Enero 1 ng tanghali nang matagpuang wala nang buhay ang 23 anyos na flight attendant sa bath tub ng tinuluyan nilang kwarto.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

11 ang sinampahan ng kaso ng ina ni Dacera kung saan kabilang ang mga kaibigan niyang ito na hiling din na mapatunayang wala umano silang kinalaman sa pagkamatay ni Christine.

Misis, inaalagaan pa rin ang asawa na may leukemia kahit hiwalay na sila

Sa dalawang medicolegal report ng inilabas ng PNP, pawang "natural causes" ang ikinamatay ng dalaga.

Ngayong Pebrero 11 gaganapin ang ikaapat na hearing sa kaso kaugnay ng pagkamatay ni Dacera.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel