Raffy Tulfo, may panawagan muli kay DOH. Sec. Duque pati na rin kay FDA Sec. Domingo
- Sa ikatlong pagkakataon, nanawagan muli si Raffy Tulfo kay DOH secretary Francisco Duque
- Sa pagkakataong ito pati na rin si FDA secretary Eric Domingo at kinikwestyon na rin niya kaugnay ng mga gamot at vaccine lalo na ang mga donasyon ng World Health organization
- Maging kay Pangulong Duterte ay nanawagan na rin si Tulfo na sibakin na ang dalawang kawani kung 'di masasagot ang kanyang mga katanungan
- Makailang beses nang hinamon ni Tulfo si Duque na bumaba sa pwesto nang mapalitan ito ng sa tingin niyang mas may kapasidad na humawak ng sitwasyon sa COVID-19
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Matapang at walang kagatol-gatol na muling hinamon ni Raffy Tulfo si Department of Health Secretary Francisco Duque na bumaba sa pwesto lalo na kung hindi nito masasagot o maipakikita kung nasaan napunta ang mga gamot at vaccine na donasyon ng World Health Organization sa Pilipinas.
Nalaman ng KAMI na hindi ito ang unang beses na tinawag ni Tulfo ang atensyon ng kalihim at ngayon maging ang si Dr. Eric Domingo ng Food and Drúgs Administration (FDA) ay kanya na ring hinamon.
Isiniwalat kasi ni Tulfo ang sinasabi niyang mga katiwalian sa FDA na kanya mismong nabisto nang makapanayam niya si Domingo.
"I think this is the time Dr. Domingo na i-praktis mo iyong kasabihan na 'less talk, less mistake. Kasi the more you open your mouth, the more na nadidiin po kayo!"
Isang halimbawa na ibinigay ni Tulfo kaugnay ng nasabi niyang ito kay Domingo ay nang tanungin umano ang kalihim sa isang radio station kung bakit hindi nito pinahihintulutang magamit ang Ivermectin sa Pilipinas.
Ang sagot ni Domingo, naghihintay lamang umano sila na marehistro ang nasabing gamot.
Subalit, lumalabas na iniipit pa rin ito ng FDA dahil makailang beses nang nagpadala ng application ang iba't ibang mga nais na magpasok ng Ivermectin sa bansa ngunit ang sagot lamang daw ni Domingo ayon kay Tulfo ay "malabo" ang kopya na ipinadadala sa kanila ng mga ito.
Giit pa ni Tulfo, malaki ang kamurahan ng Ivermectin kumpara sa Remdesivir na mas mapapakinabangan sana ng mas maraming Pinoy na tinatamaan ng COVID-19.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Isa rin sa tinatanong ni Tulfo ay kung saan umano napunta ang donasyon ng WHO na milyon-milyong halaga ng Remdesivir.
"Hinahamon kita Mr. Duque, paki-account lang saan napunta yung milyon-milyong Remdesivir na dinonate ng WHO, pwede ba in the name of tranparency, ipakita niyo sa taumbayan yung pangalan ng mga ospital na nabigyan noon"
Sa pagkakataong ito, maging kay Pangulong Rodrigo Duterte ay nanawagan na si Tulfo na sibakin ang dalawang kawani kung hindi masasagot ang nabanggit na tanong.
"Panawagan ko po kay Pangulong Duterte, sir, paki-account lang po pakisabi po dito kay Duque, at saka dito kay Domingo paki-accouint lang saan napunta yung milyon-milyong halaga ng remdesivir, yung mamahaling gamot na dinonate ng WHO sa Pilipinas"
"Kapag hindi po nasagot yan ng dalawa niyong alipores, sir pakisibak na po, ibig sabihin, may ginagawa pong milagro itong dalawang ito"
Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 19 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Halos isang linggo lamang ang nakalipas nang unang makapagbitaw ng mabibigat na salita si Tulfo kay Sec. Duque ng DOH.
Kamakailan ay muli siyang nanawagan kay Duque na bumaba na sa pwesto at maging si FDA secretary na si Dr. Eric Domingo ay sinimulan na rin niyang kuwestiyunin.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh