Jon Gutierrez, sinopla si Toni Fowler matapos nitong magsalita tungkol sa isyu

Jon Gutierrez, sinopla si Toni Fowler matapos nitong magsalita tungkol sa isyu

- Matapos magsalita ni Toni Fowler kaugnay sa kanyang kinasasangkutang kontrobersiya, hindi nagpatinag si Jon Gutierrez

- Sinagot niya ang patutsada ni Toni at hindi din niya binanggit ang pangalan ni Toni

- Pinagsabihan nito si "Jollibee" na huwag na mag-ingay kung hindi kasali sa isyu

- Pinaalala pa nito ang umano'y video na pinadala sa kanya ni Toni at ang pag-iyak umano nito sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayaw patinag ni Jon Gutierrez sa pahayag ni Toni Fowler kaugnay sa kanyang kasalukuyang kinasasangkutang isyu.

Naghayag si Toni ng kanyang saloobin at tila natawa pa ito dahil tama umano siya na lalabas din ang tunay na ugali ni Jon.

Jon Gutierrez, sinopla si Toni Fowler matapos nitong magsalita tungkol sa isyu
Jon Gutierrez (@easymoneybadger)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Toni Fowler, 'di napigilang mag-react sa isyung kinasasangkutan ni Jon Gutierrez

Sagot naman ni Jon, dapat ay manahimik na lang ang mga taong hindi kasali sa isyu. Hindi din nito binanggit ang pangalan ni Toni ngunit patungkol sa taong tinawag niyang "Jollibee" ang kanyang mensahe.

Muli niya ring pinaalala na nagpadala ito noon ng video at iniyakan pa umano nito si Jon noon.

Pag di kasali sa issue be quiet po. Ingay ingay mo nanaman Jollibee parang dun sa video mo na sinend mo sakin! Kung ano ano ine-ebas mo iniyakan mo naman ako! Oh baka may mag tanggol nanaman na feeling super hero ah! Move on! NEXT!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nakilala sina Jelai Andres at Jon Guttierez dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook. Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion.

Read also

Jon Gutierrez, nag-react sa "paulit-ulit nalang mga palabas" post ni Skusta Clee

Matatandaang nakipaghiwalay si Jelai kay Jon noong Marso 2019 matapos nag-viral ang kontrobersiyal na Facebook live ni Toni Fowler, ang itinuturong third party sa kanilang relasyon.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kinakiligan naman ng kanilang fans ang Valentines Day date nila noong nakaraang taon matapos ang kanilang paghihiwalay.

Hindi tumigil si Jon sa panunuyo sa asawa para mapatawad siya umano nito at maibalik ang dati nilang pagsasama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel