Marvin Ignacio, desididong turuan ng leksiyon ang mga nang-harass umano sa kanya

Marvin Ignacio, desididong turuan ng leksiyon ang mga nang-harass umano sa kanya

- Ibinahagi ni Marvin Ignacio ang isang Facebook live kung saan natakot siya para sa kanyang kaligtasan

- Ito ay matapos dalawang lalaki na nagpakilalang kawani ng barangay ang pumunta sa lugawan kung saan siya nagsisilbing delivery rider

- Kasunod ng kanyang Facebook live, umani ng simpatya ang rider at lalong binatikos ng karamihan ang mga taga barangay

- Kaya naman, pormal na humingi ng paumanhin ang kapitan at ang tatlong kawaning sangkot ngunit desidido umano si Marvin na maturuan ng leksiyon ang dalawang lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling naging usap-usapan ngayong araw ang mga kawani ng barangay sa Muzon sa San Jose Del Monte, Bulacan matapos ibahagi ni Marvin Ignacio ang kanyang pangamba para sa kanyang kaligtasan.

Marvin Ignacio, desididong turuan ng leksiyon ang mga nang-harass umano sa kanya
A rider for GrabFood, Grab Holdings Inc.'s online food-delivery platform, collects an order from a restaurant (Photographer: Veejay Villafranca/Bloomberg)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Sanggol na negatibo sa COVID-19, pumanaw habang naghahanap ng ospital

Kasunod ng kanyang Facebook live, umani ng simpatya ang rider at lalong binatikos ng karamihan ang mga taga barangay. Kaya naman, pormal na humingi ng paumanhin ang kapitan at ang tatlong kawaning sangkot ngunit desidido umano si Marvin na maturuan ng leksiyon ang dalawang lalaki.

Ayon sa ulat ng GMA News, nagtungo na umano si Marvin sa police station para magpa-blotter na.

"Pinag-iinitan na po ako rito sa lugar namin, nakokompromiso na po 'yung buhay ng pamilya ko dahil sa pangha-harrass. Gusto ko po sana silang bigyan ng leksiyon, harapin po nila 'yung ginawa nila sa akin para hindi na po ito pamarisan kung may iba pa pong gustong gumawa nito is matakot na po. Sa legal action na lang po tayo magharap."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang pagiging food delivery driver ay isa sa mga patok na trabaho sa kasalukuyan dahil sa kinakaharap na pandemya. Dahil sa mga lockdown ay nauuso ang pagbili ng pagkain sa pamamagitan ng internet. Dito sa Pilipinas, ilan sa mga kilalang food delivery service ay Grab food, Lalafood at Food Panda.

Read also

Marvin Ignacio, humingi ng tulong matapos daw siya i-harass ng ilang kalalakihan

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, naawa umano si MMDA spox Celine Pialago sa sinitang Grab driver at may sorpresa umano siyang balak ibigay.

Isa namang residente ng Quezon City ang hinuli matapos niyang kuhanin ang kanyang inorder na pagkain.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate