Phez Raymundo, pormal nang humingi ng paumanhin kay Marvin Ignacio
- Minabuti ng Punong Barangay ng Muzon sa San Jose Del Monte, Bulacan na pormal na humingi ng dispensa kaugnay sa nag-viral na lugaw isyu
- Kasama ang mga kawani ng barangay na sangkot sa isyu, ibinahagi nila ang kanilang mensahe kung saan humihingi sila ng dispensa sa Grab rider, sa lugawan at sa publiko
- Humingi din ng dispensa si Phez Raymundo, ang babaeng nanita sa grab driver sa viral na lugaw video
- Inamin ng dalawa pang lalaking kawani na sila ang naghatid ng implementation ng city ordinance sa lugawan kung saan nagtatrabaho bilang delivery rider si Marvin Ignacio
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Matapos umani ng matinding pambabatikos mula sa publiko, minabuti ni Punong Barangay Marciano G. Gatchalian ng Barangay Muzon San Jose Del Monte, Bulacan na pormal na humingi ng dispensa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa isang video na ibinahagi ng Facebook Page ng Barangay Muzon, sinabi ni Gatchalian na palagi niyang pinapaalalahanan ang mga kawani ng barangay ng tamang pakikitungo sa kanilang mga nasasakupan.
Kasunod nito, pormal ding humingi ng paumanhin si Phez Raymundo, ang babaeng kawani ng barangay na sumita sa Grab rider kaugnay sa delivery nito na lugaw.
“Kung na-offend ka sa aking nabanggit, ako ay humihingi ng paumanhin, kasama na rin po doon sa may-ari ng establishment at mga grab drivers."
Maging ang dalawang lalaking naghatid ng dokumento sa lugawan kung saan nagtatrabaho si Marvin Ignacio ay humingi din ng dispensa.
Ito ay matapos muling mabatikos kasunod ng ibinahaging Facebook live ni Ignacio kung saan sinabi niyang labis siyang nangamba para sa kanyang kaligtasan.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Matatandaang naging mainit na usapin ang "lugaw" isyu matapos ibahagi ni Marvin Ignacio na isang Grab rider ang pagsita sa kanya ni Raymundo.
Ang pagiging food delivery driver ay isa sa mga patok na trabaho sa kasalukuyan dahil sa kinakaharap na pandemya. Dahil sa mga lockdown ay nauuso ang pagbili ng pagkain sa pamamagitan ng internet. Dito sa Pilipinas, ilan sa mga kilalang food delivery service ay Grab food, Lalafood at Food Panda.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Samantala, naawa umano si MMDA spox Celine Pialago sa sinitang Grab driver at may sorpresa umano siyang balak ibigay.
Isa namang residente ng Quezon City ang hinuli matapos niyang kuhanin ang kanyang inorder na pagkain.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh