Marvin Ignacio, humingi ng tulong matapos daw siya i-harass ng ilang kalalakihan

Marvin Ignacio, humingi ng tulong matapos daw siya i-harass ng ilang kalalakihan

- Ibinahagi ni Marvin Ignacio ang isang Facebook live video nang pagpunta ng tatlong kalalakihan sa lugawan kung saan siya nagsisilbing taga-deliver

- Sa kanyang pangamba na baka ano ang gawin sa kanya, minabuti niyang kuhanan ang buong pangyayari sa pamamagitan ng isang live video

- Gayunpaman, sa sobrang kaba niya umano, hindi niya napansin na walang naririnig na audio

- Ikinuwento na lamang niya sa huling bahagi ng video ang pangyayari at humingi ng tulong para matapos na umano ang paghihirap nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang pangamba na baka ano ang gawin sa kanya ng mga kalalakihang pumunta sa lugawan kung saan siya nagsisilbing delivery rider, minabuti ni Marvin Ignacio na kuhanan ang pangyayari.

Marvin Ignacio, humingi ng tulong matapos daw siya i-harass ng ilang kalalakihan
A rider for GrabFood, Grab Holdings Inc.'s online food-delivery platform, collects an order from a restaurant (Photographer: Veejay Villafranca/Bloomberg)
Source: Getty Images

Gayunpaman, hindi napansin kaagad ni Marvin na wala palang audio ang kanyang Facebook live habang naroroon ang mga lalaki.

Read also

Jelai Andres, nag-react sa naglabasang litrato kaugnay sa hiwalayan nila ni Jon

Kwento niya, sa tingin niya ay hindi opisyal na operayon iyon dahil sa kahina-hinalang dokumentong pinakita umano sa kanila. Pinapasara umano ng mga ito ang lugawan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi na napigilan ni Marvin ang maging emosyonal habang kinikuwento ang kanyang pinagdaanang takot.

Binanggit din ni Marvin na sinabi umano ng isa sa mga lalaki na si Marvin ang dahilan kung bakit muntik nang wakasan ni Phez Raymundo ang buhay niya matapos ang pag-viral ng video kung saan sinisita nito si Marvin dahil sa pagdedeliver ng lugaw.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang pagiging food delivery driver ay isa sa mga patok na trabaho sa kasalukuyan dahil sa kinakaharap na pandemya. Dahil sa mga lockdown ay nauuso ang pagbili ng pagkain sa pamamagitan ng internet. Dito sa Pilipinas, ilan sa mga kilalang food delivery service ay Grab food, Lalafood at Food Panda.

Read also

Andi Eigenmann, nilinaw ang tungkol sa pag-snob niya daw sa guests sa Siargao

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, naawa umano si MMDA spox Celine Pialago sa sinitang Grab driver at may sorpresa umano siyang balak ibigay.

Isa namang residente ng Quezon City ang hinuli matapos niyang kuhanin ang kanyang inorder na pagkain.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate