Andi Eigenmann, nilinaw ang tungkol sa umano'y pag-snob niya sa guests sa Siargao

Andi Eigenmann, nilinaw ang tungkol sa umano'y pag-snob niya sa guests sa Siargao

- Mabilis na nag-viral ang post ng isang netizen sa Facebook Page na Siargao Local Travel Guide

- Nagtanong ito kung sa pakitang-tao lang sa social media ang pagiging humble ni Andi Eigenmann

- Ito ay matapos umanong dalawang beses silang hindi pinagbigyan ni Andi na makapagpa-picture sa kanya

- Nilinaw naman ni Andi na tao lang din siya na may maraming obligasyon kaya hindi sa lahat ng oras ay mapagbibigyan niya ang lahat na gusto magpa-picture kasama siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilinaw ni Andi Eigenmann ang tungkol sa naging pahayag ng isang netizen na kumuwestiyon kung totoo daw ba ang pinapakita ni Andi Eigenmann sa social media.

Ito ay matapos umanong dalawang beses na hindi pumayag si Andi na makapagpapicture ang ilang Siargao guests sa kanya.

Andi Eigenmann, nilinaw ang tungkol sa umano'y pag-snob niya sa guests sa Siargao
Andi Eigenmann (@andieigengirl)
Source: Instagram

Ani Andi, simula nang nagpahinga siya sa showbiz at tumira sa Siargao, inasahan niyang ma-eenjoy niya ang kanyang privacy at ang kagandahan ng lugar.

Read also

Jelai Andres, nagbahagi ng panibagong video matapos lumabas ang isyu nila ni Jon

Gayunpaman, aniya dahil nagkaroon sila ng YouTube channel ay parang imposibleng makawala siya sa mga atensiyon ng tao kagaya nung nasa showbiz pa siya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Base sa kanyang kwento na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram Story, umaasa siyang maintindihan ng mga tao na tao din sila na may mga responsibilidad. Gayunpaman, hangga't kaya ay pinagbibigyan niya umano ang mga taong gustong makakuha ng litrato kasama siya.

Dagdag pa niya, hindi nila pinatayo ang bahay nila para pasukin at natural lang na mabigla silang may ibang taong papasok sa bahay nila habang kumakain sila at kakagising pa lamang.

Aniya, naiintindihan niyang balak nilang gawing bed and breakfast ang kanilang bahay ngunit hindi pa umano ito nag-ooperate ngayon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Jon Gutierrez, sinopla si Toni Fowler matapos nitong magsalita tungkol sa isyu

Si Andi Eigenmann ay isang aktres, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, naging usap-usapan ang ibinahagi ni Philmar Alipayo sa social media nang mapag-tripan niyang asarin si Andi.

Nag-viral din ang update na ibinahagi nina Philmar at Andi tungkol sa pinapatayo nilang bahay sa Siargao.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel