Jelai Andres, nagbahagi ng panibagong video matapos lumabas ang isyu nila ni Jon

Jelai Andres, nagbahagi ng panibagong video matapos lumabas ang isyu nila ni Jon

- Marami ang nag-abang sa panibagong video na ibabahagi ni Jelai Andres sa kanyang YouTube channel

- Ito ay matapos nga ang pagsasapubliko niya ng kanyang akusasyon sa asawang si Jon Gutierrez

- Gayunpaman, imbes na magsalita tungkol sa kasalukuyang pinagdadaanan niya, tungkol sa pag-rescue ng isang iniwang aso ang kanyang video

- Kilala si Jelai bilang isa sa mga personalidad na mapagmahal sa mga hayop lalo na sa mga aso at pusa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang ilang araw mula nang isapubliko ni Jelai Andres at Kapatid niyang si Candy Andres ang tungkol sa akusasyon nila kay Jon Gutierrez, nagbahagi si Jelai ng panibagong video sa kanyang YouTube channel.

Jelai Andres, nagbahagi ng panibagong video matapos pumutok ang kontrobersiya
Jelai Andres (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami ang nag-aabang sa bagong video na kanyang i-uupload sa kanyang YouTube channel dahil marami ang umaasang magsasalita na siya kaugnay sa isyu na mainit pa ring pinag-uusapan ng mga tao.

Read also

Kapatid ni Jelai Andres, binanatan si Jon Gutierrez dahil sa pambabae umano nito

Sa kanyang panibagong video, binahagi niya ang kanyang pagligtas sa isang asong maysakit kaya iniwan na lamang ng ma-ari.

Dinala ni Jelai ang asong pinangalanan niyang SM sa beterinaryo upang masuri at mabigyan ng karampatang lunas ang sakit nito.

Pagkatapos ng ginawang pagsusuri at grooming, dinala muna ito pansamantala sa shelter para sa mga nailigtas na aso't pusa.

Marami naman ang naantig sa pagiging mapagmahal ni Jelai sa mga hayop. Ito ay sa kabila ng kanyang kasalukuyang pinagdadaanan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Julia Barretto, naniniwalang okay lang na ang babae ang gumawa ng first move

Matatandaang inamin ni Jelai na nagkabalikan na sana silang mag-asawa matapos nilang magkasama sa lock-in Taping ng seryeng "Owe My Love".

Samantala, mariing pinabulaanan ng isang social media personality ang mga paratang na siya ang dahilan ng muling paghihiwalay ng mag-asawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel