Lalaki sa QC na kukuha lang ng food delivery, dinampot ng mga tanod

Lalaki sa QC na kukuha lang ng food delivery, dinampot ng mga tanod

- Nag-viral ang video ng isang lalaki na kukuha lamang ng kanyang pina-deliver na pagkain at hinuli na agad ng mga tanod

- Lakas loob siyang nag-Facebook live habang nasa loob na siya ng sasakyan ng mga bantay-bayan

- Giit ng mga tanod na malayo na umano ang lalaki sa bahay nito na kanya namang pinabulaaanan at sinabing nasa limang metro lamang ang layo niya mula sa kanilang bahay

- Pinakawalan at pinauwi rin ang lalaki subalit marami umano itong reklamo sa kanyang sinapit sa mga tauhan ng barangay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang video ng residente ng Quezon City na si LJ Cabangis kung saan lakas loob siyang nag-Facebook live nang damputin siya ng mga tanod sa kanilang lugar.

Nalaman ng KAMI na nasa alas diyes na ng gabi nang lumabas si LJ para kunin ang kanyang pina-deliver na pagkain.

Read also

Basel Manadil, nagbigay ng 100x ng presyo ng lahat ng nabili bilang tulong sa magtataho

Sakto namang nakita siya ng mga tanod ng kanilang barangay na agad umano siyang dinampot at kinuwestiyon dahil bawal na umanong lumabas ng bahay kaugnay ng ipinatutupad na curfew.

Lalaki sa QC na kukuha lang ng food delivery sa labas ng bahay, dinampot ng mga tanod
Photo from LJ Cabangis
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ipinaliwanag ng lalaki na nagpa-deliver lang siya ng pagkain na ipinakita rin niya sa video bilang ebidensya na hindi siya lumabas nang walang dahilan.

Ngunit giit ng mga tanod na malayo na si LJ sa kanilang tahanan kaya naman dinampot na nila ito.

Ayon naman kay LJ, nasa limang metro lang ang layo mula sa kanilang tahanan ang pinagkunan niya ng food delivery.

Bagaman at pinauwi rin ang lalaki marami pa rin itong mga hinaing at reklamo sa pagtrato raw umano sa kanya ng mga bantay-bayan.

Sa ulat ng ABS-CBN News, sinabing nagreklamo na sa pulisya ang lalaki sa umano'y ginawa sa kanyang pagmumura at pag-aamba ng mga tao ng kanilang barangay.

Read also

77-anyos na pinabayaan umano ng pamangkin sa putikan, tinulungan na ng RTIA

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa rin sa agaw-eksena ngayon sa social media ang umano'y paninita sa isang food delivery rider ng mga tanod sa isang barangay sa Bulacan dahil sa hindi raw "essential goods" ang lugaw kaya hindi raw ito nararapat na mag-deliver pa ng 'pagkain.'

Nakarating na rin ito maging sa Malacañang kung saan naglabas na ng pahayag si Presidential Spokesperson Harry Roque ukol dito. Nilinaw niya na ang lugaw ay isang pagkain at anumang pagkain ay nabibilang sa "essential goods."

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa kabila ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa 'NCR Plus' at sa curfew na kaakibat nito mula 6:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga, isa ang food delivery services na patuloy na magbibigay serbisyo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica