77-anyos na pinabayaan umano ng pamangkin sa putikan, tinulungan na ng RTIA

77-anyos na pinabayaan umano ng pamangkin sa putikan, tinulungan na ng RTIA

- Natulungan na ng 'Raffy Tulfo in Action' ang isang 77-anyos na lolo na nag-viral dahil pinabayaan umano ng pamangkin

- Makikita sa video na nakahandusay na sa putikan ang lolo na iniwan pa umano ng pamangkin imbis na tulungan

- May mga nagmalasakit na kapitbahay sa lolo na siyang kumupkop sa kanya at humingi ng tulong kay Tulfo

- Maayos nang nadala sa home for the aged ang lolo at sinagot din ni Tulfo ang iba pang mga pangangailangan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakarating na sa probinsya ng Rizal ang staff ni Raffy Tulfo upang kumustahin ang kalagayan ng 77-anyos na si Lolo Carlito na minsan nang nag-viral dahil umano sa pinababayaan ito ng kanyang pamangkin.

Nalaman ng KAMI na ang nagmamalasakit pa sa matanda ay ang mga kapitbahay nito na nakikita ang kalunos-lunos na kalagayan niya.

Read also

Nasal Mask ng isang Mexican scientist, umani ng iba't ibang reaksyon mula sa publiko

Nakunan kasi ito ng video na nakahandusay sa putikan dahil nadulas daw ito.

77-anyos na pinabayaan umano ng pamangkin sa putikan, tinulungan na ng RTIA
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Katwiran ng pamangkin, iniwan niya ang tiyuhin para tawagin ang kanyang asawa at di raw niya ito kayang buhating mag-isa.

Subalit una nang umapula ang mga kapitbahay na nakakita sa kalagayan ng lolo.

Dahil dito, inilapit na nila kay Tulfo ang sitwasyon ni Lolo Carlito.

Ayon pa sa kanyang pamangkin, naghihikahos din sila sa buhay kaya hindi na nila maintindi pa ang matanda.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Pansamantalang kinupkop ng nagmalasakit na kapitbahay na si Kellyann Laxamana si Lolo Carlito at doon makikitang maayos siyang naaalagaan.

Nang dumating namang ang staff ni Tulfo, inasikaso nila ang mga kailangan ni Lolo Carlito upang maayos na itong madala sa home for the aged.

Ipinamili rin muna nila ng groceries, gamot at iba pang kailangan ni lolo habang siya ay nasa pangangalaga pa noon nina Kellyann.

Read also

OFW sa Kuwait, humingi na ng saklolo sa tindi ng sinapit niya sa kanyang amo

Kamakailan ay tuluyan na ngang nadala sa home for the aged si Lolo Carlito at nangako naman ang kanyang pamangkin at mga kapitbahay na dadalawin na lamang nila ito roon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 19 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay natulungan din ni Raffy Tulfo na masagip ang isang lolo na nakatira sa mistulang kulungan ng baboy na karatig lamang ng bahay ng kanilang kaanak.

Gayundin ang walong magkakapatid na matapos na mamatayan ng ama ay iniwan naman ng kanilang ina. Sinusuportahan ito ni Tulfo habang ipinigagawa pa niya ang bahay para sa magkakapatid.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: