Raffy Tulfo, sinagip ang lolo na nakatira sa mukhang kulungan ng baboy
- Kalunos-lunos ang kalagayan ng isang lolo na pinagmalasakitang ihingi ng tulong kay Raffy Tulfo ng isang concerned citizen
- Nadaraanan umano ng kanyang kapitbahay na ito ang mistulang kulungan ng matanda na bahagi pa rin pala ng bahay ng kanyang mga kaanak
- Napag-alaman ni Tulfo na tila itinakwil na ang lolo dahil bukod sa may karamdaman na ito ay nakalaya lamang pala ito dahil sa kasong pagpaslang sa kanyang misis
- Ilalagak na sa shelter ang lolo kung saan mas maayos ang kanyang kalagayan at bibigyan din siya ng karagdagang tulong ni Tulfo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakakadurog ng puso ang kalagayan ng isang lolo na animo'y nasa kulungan ng baboy sa dumi ng tinutuluyan nito.
Nalaman ng KAMI na isa sa kanyang mga kapitbahay ang nagmalasakit na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo upang matulungan ang kaawa-awang matanda
Maging si Tulfo ay nabahala nang makita ang kalunos-lunos na sitwasyon ng lolo.
Ayon sa concerned citizen na si Jennelyn Galvez, madalas niyang madaanan ang matanda at aminado rin ito na nahihirapan na sa kanyang kalagayan.
Makikita sa video na marumi ang lugar, sira na at matigas pa ang kanyang higaan kaya marahil mas pinipili pa nitong sumalampak sa lupa para makahiga ng mas maayos.
Napag-alaman ni Tulfo na nakalaya lang umano ang lolo na na 16 na taong nakakulong dahil sa pagpaslang sa sarili niyang misis na nahuli nitong may kasamang iba.
Nang kausapin ni Tulfo ang kaanak nito na si Marivic Ramirez, sinabi nitong bahagi pa rin ng kanilang bahay ang tinutuluyan ng matanda.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Sa sobrang busy raw nila sa trabaho, hindi na nila nagagawang linisin ang lugar nito.
Sinabi rin niyang dati naman talagang nakapisan sa kanila ang lolo subalit nang magkaroon ito ng tuberculosis, napilitan silang ihiwalay na ito.
Hirap din umano sila sa buhay kaya hindi na nila natutustusan ang mga gamot ng matanda.
Dahil dito, agad na inaksyunan ni Tulfo ang sitwasyon at magpapadala ng tulong para matanda.
Nakausap na rin umano nito ang senior staff ng Brgy. 181 Caloocan na siyang mamahala sa pagdadala sa matanda sa shelter.
Magbibigay din ng karagdagang tulong si Tulfo sa iba pang pangangailangan ng lolo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may 19 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan ay natulungan din ni Tulfo ang isang taho vendor na bitbit ang anak sa paglalako dahil iniwan umano siya ng kanyang misis. Nagkaroon ito ng sariling food cart business mula kay Tulfo.
Gayundin ang isang batang nakaligtas nga sa COVID-19 subalit naging stage 4 naman ang cancer nito. Patuloy na sinusuportahan ni Tulfo ang gamutan ng bata.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh