Grab PH, may pa-free delivery matapos mag-viral ang video ng Grab delivery rider
- Agad na nag-viral ang paninita ng isang babae sa Grab driver na magdedeliver ng lugaw
- Ayon sa babae, ang lugaw ay hindi mapapabilang sa essential goods kaya hindi ito pwedeng i-deliver sa kasalukuyang ECQ
- Kasunod nito ay umani ng mga reaksiyon hindi lang mula sa mga netizens kundi maging sa mga sikat na personalidad ang nasabing video
- Hindi rin ito pinalampas ng Grab at ginamit ang pagkakataon para bigyang pugay ang mga delivery riders na maituturing din na mga frontliners
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kasunod ng pag-viral ng video kung saan sinisita ang isang Grab delivery rider dahil sa kanyang i-de-deliver na lugaw, marami sa mga netizens at maging mga kilalang personalidad ang nagbahagi ng kanilang saloobin hinggil sa isyu.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Naging laman ito ng balita lalo at tungkol ito sa mga pinapatupad na alituntunin ng IATF sa gitna ng ECQ.
Hindi na pinalampas ng Grab Philippines ang pagkakataon para pasalamatan at bigyang pugay ang mga riders na sumusuong sa panganib ano mang oras para lang maihatid ang mga pagkain ng mga costumer.
Let’s give thanks to all our Grab riders na tuloy lang sa paghatid ng ating essential needs and for always following rules and guidelines whenever, wherever! Saludo po kami sa inyo, our kuyas and ates!
Nag-offer ng free delivery ang Grab Ph sa mga customer na gagamit ng code na LUGAWISESSENTIAL kasunod ng nag-viral na post ng Grab rider.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ang pagiging food delivery driver ay isa sa mga patok na trabaho sa kasalukuyan dahil sa kinakaharap na pandemya. Dahil sa mga lockdown ay nauuso ang pagbili ng pagkain sa pamamagitan ng internet. Dito sa Pilipinas, ilan sa mga kilalang food delivery service ay Grab food, Lalafood at Food Panda.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Samantala, naawa umano si MMDA spox Celine Pialago sa sinitang Grab driver at may sorpresa umano siyang balak ibigay.
Isa namang residente ng Quezon City ang hinuli matapos niyang kuhanin ang kanyang inorder na pagkain.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh