Ambush room raid ni Jelai Andres kay Jon Gutierrez, binalikan ng netizens

Ambush room raid ni Jelai Andres kay Jon Gutierrez, binalikan ng netizens

- Matapos ang kontrobersiyal na mga pahayag ni Jelai Andres, agad na naging usap-usapan ang isyu nila ni Jon Gutierrez

- Hindi mapigilang lumabas ang pagiging detective ng ilang netizens at marami ang muling nanood ng biglaang room raid ni Jelai kay Jon

- Naganap ito noong nasa lock-in taping pa lamang sila para sa GMA show na 'Owe My Love' kung saan kasama sila sa cast

- Makikita sa nasabing vlog ang pagtingin ni Jelai sa Ipad ni Jon at sa mga messages umano nito sa kanyang social media accounts

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kasabay ng patuloy na pinag-uusapang isyu nina Jelai Andres at Jon Gutierrez, marami sa mga netizens ang nanghinayang sa naudlot na pagbabalikan ng mag-asawa.

Base sa mga video ni Jelai sa kanyang YouTube channel, tila nagkakamabutihan na sila kaya naman marami sa mga tagasuporta ng tambalan nila ang nabigla.

Read also

Jon Gutierrez, nag-react sa "paulit-ulit nalang mga palabas" post ni Skusta Clee

Ambush room raid ni Jelai Andres kay Jon Gutierrez, binalikan ng netizens
Jelai Andres (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa sa mga pinakabinalikan ng mga netizens ay ang biglaang pagsugod ni Jelai sa silid ni Jon sa kanilang lock-in taping.

Dito pinakita ni Jelai kung ano ang itsura ng silid ni Jon. Gayunpaman, hindi nakaligtas sa mga netizens ang tagpo kung saan tiningnan ni Jelai ang Ipad ni Jon at sinubukang basahin ang mga mensahe nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nakilala sina Jelai Andres at Jon Guttierez dahil sa kanilang videos na nagviral sa Facebook. Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion.

Matatandaang nakipaghiwalay si Jelai kay Jon noong Marso 2019 matapos nag-viral ang kontrobersiyal na Facebook live ni Toni Fowler, ang itinuturong third party sa kanilang relasyon.

Read also

Jon Gutierrez, umalma sa pag-post ng kampo ni Jelai Andres sa social media

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kinakiligan naman ng kanilang fans ang Valentines Day date nila noong nakaraang taon matapos ang kanilang paghihiwalay.

Hindi tumigil si Jon sa panunuyo sa asawa para mapatawad siya umano nito at maibalik ang dati nilang pagsasama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel