Sanggol na negatibo sa COVID-19, pumanaw habang naghihintay na tanggapin ng ospital

Sanggol na negatibo sa COVID-19, pumanaw habang naghihintay na tanggapin ng ospital

- Pumanaw ang isang taong gulang na sanggol matapos na 'di mabigyan agad ng lunas ang iniindang karamdaman

- Pebrero 25 nang lagnatin ang sanggol at nagsusuka kaya naman agad siyang isinugod sa ospital ng kanyang mga magulang

- Subalit wala pang bakante ang ospital kaya nanatili ito sa ambulansya kung saan ito binawain ng buhay

- Huli na nang malaman ng kanilang pamilya na hindi COVID-19 ang ikinamatay ng sanggol na agad na na-cremate

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matindi ang paghihinagpis ni Jonald Julian sa biglaang pagpanaw ng kanyang isang taong gulang na anak na si Jonalyn.

Nalaman ng KAMI na Pebrero 25 nang lagnatin ang sanggol at panay din ang pagsusuka nito.

Kwento pa ng kanyang ama sa ulat ng GMA News, agad namang nadala ng amulansya si Jonalyn sa pagamutan.

Read also

Marvin Ignacio, humingi ng tulong matapos daw siya i-harass ng ilang kalalakihan

Sanggol na negatibo sa COVID-19, pumanaw habang naghahanap ng ospital
Baby Jonalyn (Photo from Yahj Julian)
Source: UGC

Subalit wala pa umanong bakante sa ospital kaya nananatili sila sa ambulansya.

Sa kasamaang palad, kulang ang kagamitan sa ambulansya kaya ang mag-asawa ang nagpu-pump ng oxygen sa anak.

"Isang oras kami sa labas, para kaming... 'Yung palaboy ba na kami pa yung nagpupump sa loob ng ambulansya ng anak namin para lang mabuhay. Pero dinadaan-daanan lang po nila kami tapos sasabihin wala raw bakante," naiiyak na pahayag ng ama ni Jonalyn.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Tatlong oras pa ang kanilang itinagal sa kakahintay bago pa sabihin ng ospital na hindi na umano nila kayang i-admit ang sanggol.

Lalo nang nanghina at nahirapan na huminga ang sanggol hanggang sa binawian na ito ng buhay.

COVID-19 suspect ang sanggol kaya naman agad umano nitong na-cremate. Isang buwan pa ang nakalipas nang malaman ng kanyang pamilya na hindi COVID ang ikinamatay ng sanggol kundi sepsis. Negatibo ito sa isinagawang test.

Read also

Jelai Andres, nag-react sa naglabasang litrato kaugnay sa hiwalayan nila ni Jon

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kasalukuyang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang greater Manila area dahil sa biglaang paglobo ng bilang ng mga nagpo-positibo sa COVID-19.

Mula pa noong Marso 12, hindi na bumaba sa 4,500 ang mga naitatalang kaso araw-araw.

Noong Marso 29 lumampas na sa 10,000 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa loob lamang ng isang araw.

Dahil dito, puno na ang mga ospital sa Metro Manila kaya hindi na sila makatanggap pa ng mga pasyente lalo na kung ito ay COVID-19 case.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica