Customer, pinapasok ang delivery rider sa bahay sa takot na mahuli dahil sa curfew
-Kinagiliwan online ang ideya ng isang nagpakilalang customer na nagpapasok sa nagdeliver ng kanyang pagkain
- Para raw masigurong hindi siya mahuhuli sa labas dahil curfew na, minabuti niyang papasukin na lamang ito
- Hindi raw niya akalaing magiging viral ang kanyang post gayung aminado siyang katuwaan lamang ito
- Naisipan lamang niya itong ibahagi matapos na mapabalita ang lalaking hinuli dahil sa lumabas ito para kunin ang order niyang pagkain
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw eksena sa social media ang post ng netizen na si Maine Mesina kung saan pinapasok na umano niya ang Grab Food delivery rider sa kanilang bahay.
Nalaman ng KAMI na sa takot umano ni Maine na mahuli sa labas sa pagkuha ng pagkain gayung curfew na, minabuti niyang papasukin umano ang rider na naghatid ng kanyang pagkain.
"Pinapasok ko si grab rider baka mahuli ako pag kinuha ko sa labas yung order kong McDo"
Makikitang pati ang motorsiklo ay ipinasok ng rider at iniayos pa ng pwesto bago i-abot ang pagkaing order ni Maine.
Subalit sa panayam ng PEP kay Maine, nabanggit nitong katuwaan lang talaga ang pag-post ng mga larawan na ito ng rider.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Isiniwalat din niya na ang delivery rider na pinapasok niya sa kanilang bahay ay ang kanyang mister at ang pagkaing iniaabot ay pasalubong nito sa kanya.
Hindi raw talaga akalain ni Maine na marami ang matutuwa sa kanyang post lalo na at ibinahagi lamang niya ito matapos na mapabalita ang isang lalaki na nahuli dahil lamang sa pagkuha nito ng pina-deliver niyang pagkain.
Para kasi kay Maine, hindi raw tama na basta na lamang hinuli ang lalaki gayung mayroon naman itong dahilan sa paglabas kahit curfew na.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan ay sunod-sunod na ang napapablitang hindi magagandang nangyayari sa mga delivery rider na matiyagang naghahanapbuhay sa kabila ng enhanced community quaratine sa NCR Plus.
Matatandaang nito lamang nakaraang linggo, isang rider na magde-deliver ng lugaw ang sinita dahil hindi raw 'essential' ang lugaw.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Ilang araw lamang ang lumipas ay nasa 20 na delivery riders naman ang nabiktima ng fake booking sa kabila ng paggunita sa "Mahal na Araw."
Hiling ng marami na tigilan na ang panloloko sa kapwa lalo na at masyado nang maraming suliranin ang kinahaharap ng bawat isa dahil sa pandemya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh