Ama na sinurpresa ng mga anak ng plastik na lobo at itlog na cake, tutulungan ni Tulfo

Ama na sinurpresa ng mga anak ng plastik na lobo at itlog na cake, tutulungan ni Tulfo

- Nakarating na sa programa ni Raffy Tulfo ang nag-viral na post tungkol sa surpresang hinanda ng mga anak sa amang may kaarawan

- Isang kapitbahay ng mag-anak ang nakakita ng surpresang inihahanda ng mga bata para sa ama ang naisipang i-upload ito sa social media

- Marami ang naantig ang puso sa simple ngunit makabuluhang handog ng mga bata para sa mahal na ama

- Bukod kay Raffy Tulfo, isang netizen din ang magpapaabot ng tulong sa nag-viral na mag-anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos na mag-viral sa social media ang nakakaantig ng pusong post ni Melody Silang, nakarating na rin ito sa programa ni Raffy Tulfo.

Nalaman ng KAMI na ang naturang post ay tungkol sa mga batang tulong-tulong sa paggawa ng mga lobong gawa lamang sa mga maninipis na plastic bag at sinulatan lamang nila ng "Happy Birthday."

Read also

Kaibigan ng may COVID-19 na nagkulong sa kotse, inilahad ang huling sandali nito

Ama na sinurpresa ng mga anak ng plastik na lobo at itlog na cake, tutulungan ni Tulfo
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Maliban sa mga lobo na isinabit pa nila sa kanilang sampayan, gumawa rin ang mga bata ng cake na gawa lamang sa itlog na nilagyan ng milo na inutang lamang daw ng mga bata sa tindahan.

Maging si Tulfo ay humanga sa munting surpresa ng mga bata para sa ama nilang si Buhay Dela Cruz.

Kwento ni Tatay Buhay sa panayam sa kanya ni Tulfo, hindi na siya agad nakapagpasalamat sa mga anak nang makita ang surpresa ng mga ito dahil bumagsak na lamang ang kanyang luha.

Ayon naman kay Melody na kapitbahay ng mag-anak, tinawag daw sila ng mga bata para ipakita ang kanilang ginawa.

At dahil maging siya ay natuwa sa ginawa ng mga ito, naisipan niyang ibahagi sa social media ang nakaka-inspire na kwento ng mag-anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dahil dito, magbibigay si Tulfo ng Php30,000 sa bawat anim na anak ni Tatay Buhay na pawang pangangalakal ang pinagkakakitaan.

Read also

Jennica Garcia, sinupalpal ang netizen na nambatikos sa kanyang post sa IG

Php10,000 naman ang inilaan ni Tulfo kay Tatay Buhay at sa misis nito gayundin ang hiling na cellphone ng mga bata para sa ama.

Maging si Melody na nagmalasakit na mag-upload ng kwento ng mag-anak ay mabibiyayaan din ng Php5,000.

Bukod pa sa mga biyayang handog ni Tulfo, isang netizen din ang magpapaabot ng tulong kina Tatay Buhay na nagkakahalaga ng Php30,000.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffty Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 19.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Delivery Rider, naluha sa kabutihang ipinakita sa kanya ng customer

Bukod kay Tatay Buhay na nag-viral kamakailan, isa rin sa mga tutulungan ni Tulfo ay ang lalaking namatay umano dahil sa 300 na push-ups na ginawa nito bilang parusa sa paglabag niya sa curfew.

Magpapaabot ng tulong si Tulfo sa naiwang nobya ng sinasabing curfew violator at nangakong tututok sa kaso nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica