Jennica Garcia, sinupalpal ang netizen na nambatikos sa kanyang post sa IG

Jennica Garcia, sinupalpal ang netizen na nambatikos sa kanyang post sa IG

- Sinagot ni Jennica ang isang netizen na bumatikos sa kanya matapos niyang ibahagi ang kanyang mensahe para sa kanyang dalawang anak

- Ito ay sa gitna ng lumabas na bali-balitang kasalukuyang nagkakaproblema sila ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco

- Ayon sa netizen, dapat ay diniretso na ni Jennica sa kanyang mga anak ang mensahe nito imbes na ibahagi pa ito sa social media

- Katwiran naman ni Jennica, nais niyang mabalikan balang araw na naging tapat siya sa kanyang pananampalataya sa kabila ng kanyang pinagdaanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang netizen ang sumalungat sa mga mensahe ng pagsuporta kay Jennica Garcia sa ibinahagi nitong mensahe para sa mga anak niya.

Ayon sa isang netizen, imbes na i-post pa dapat ay diniretso na lang ni Jennica na sabihin ang mensahe niya sa mga bata.

Read also

China Roces, pinayuhan si Jelai Andres kaugnay sa pinagdadaanan nito

Jennica Garcia, sinupalpal ang netizen na nambatikos sa kanyang post sa IG
Jennica Garcia Uytingco (@jennicauytingco)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jennica Garcia, sinupalpal ang netizen na nambatikos sa kanyang post sa IG
Komento ng netizen sa ibinahaging mensahe ni Jennica para sa mga anak (screenshot from @jennicauytingco)
Source: Instagram

Aniya, hindi naman nababasa ng mga anak ng aktres ang post niyang ito.

Jennica Garcia, sinupalpal ang netizen na nambatikos sa kanyang post sa IG
Hindi pinalampas ni Jennica ang pambabatikos sa kanya ng netizen (screenshot from @jennicauytingco)
Source: Instagram

Katwiran naman ni Jennica, hindi pa marunong magbasa ang kanyang mga anak at nais niya umanong makita ang kanyang pananalig sa Panginoon sa darating na mga araw para magsilbing reminder sa kanya.

Binanggit din ng aktres ang paggamit ng nasabing netizen ng ibang profile picture kaya malakas ang loob nitong magsalita.

Jennica Garcia, sinupalpal ang netizen na nambatikos sa kanyang post sa IG
Komento ng netizen sa ibinahaging mensahe ni Jennica para sa mga anak (screenshot from @jennicauytingco)
Source: Instagram

Hindi parin ito tumigil pagkatapos sagutin ni Jennica. Bwelta niya, imbes na mag-post sa social media, dapat ayusin na lamang nilang mag-asawa ang problema nila.

Marami naman sa mga netizens ang nagtanggol kay Jennica.

@jennicauytingco you are strong and you will get through this. Prayers for your peace of mind. Masaya mga anak natin, pag masaya tayo. So alagaan ang sarili. Take care.

Read also

Jelai Andres, nasira ang wallet na niregalo sa kanya dahil sa sobrang galit

Sorry to bother you but as a woman, this is one way to release our stress, disappointments and negative vibes.Apart from that, this is also a reminder that GOD works in a mysterious ways.GOD is Good. At darating ang araw na ang post na ito ay magiging katunayan sa mga bata na ang ina nila ay tunay na dakila na nalampasan lahat ng pagsubok sa buhay.Mas mabuting mabasa ng mga bata ang hinaing ng isang ina hindi upang siraan ang Ama kundi patatagin ang mga buhay nila lalo't higit pareho silang mga batang babae.
@jennicauytingco Amen. God's perfect plan is not to harm you but to prosper you Ma'am. May the Lord continue to bless you. I pray for healing of a broken heart and forgiveness

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Jennica Garcia ay dating naging aktibo din sa showbiz kagaya ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco. Nang ikasal sila ay napagpasyahan ni Jennica na tumigil muna sa pag-aartista at bigyan ng oras ang kanilang pamilya.

Read also

Stef Prescott, kinabiliban matapos niyang ibahagi ang kanyang fitness journey

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Lalong hinangaan si Jennica sa kanilang pagiging simple kahit sa kanilang paraan ng pagpapalaki sa kanilang anak.

Marami ang humanga sa mag-asawang Jennica at Alwyn dahil sa umano'y pagiging magandang halimbawa. Nang pumutok ang Bulkang Taal, kabilang ang mag-asawa sa mga tumulong sa mga residenteng naapektuhan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel