Stef Prescott, kinabiliban matapos niyang ibahagi ang kanyang fitness journey

Stef Prescott, kinabiliban matapos niyang ibahagi ang kanyang fitness journey

- Busy man sa kanyang buhay bilang asawa at bilang ina sa kanyang dalawang anak, napagdesisyunan ni Stef Prescott na alagaan ang kanyang katawan

- Ibinahagi niya ang kanyang mga transformation pictures sa kanyang Instagram account na talaga namang umani ng papuri

- Marami sa mga netizens ang na-inspire na kaya din nilang makamit ang kanilang gusto para sa kanilang sarili

- Si Stef ay nakilala siya sa mundo ng showbiz nang mapabilang sa mga avenger sa StarStruck: The Next Level

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang sumusubaybay kay Stef Prescott kahit hindi na ito ganoon ka aktibo sa showbiz sa kasalukuyan.

Sa pamamagitan ng kanyang social media account ay nakakapagbigay-inspirasyon si Stef hindi lamang sa mga kapwa niya ina kundi maging sa mga taong nais magbawas ng timbang.

Stef Prescott, kinabiliban matapos niyang ibahagi ang kanyang fitness journey
Stefany Marisa Prescott (@stefprescott)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jelai Andres, nasira ang wallet na niregalo sa kanya dahil sa sobrang galit

Sinula noong June 2020 ay palaging nagbabahagi ng update sa kanyang fitness journey ang dating aktres.

Simula nang magkaanak siya ay hindi na naging madali para sa kanya ang pagbabawas ng timbang.

Kaya naman, kinailangan niyang seryosohin at palitan ang kanyang mind-set para makamit niya ang kanyang ninanais na timbang.

Sa kanyang vlog ay aminado siyang sobrang nadagdagan ang kanyang timbang nang magkaanak at paulit-ulit umano ang kanyang naging karanasan pagdating sa pagbabawas ng timbang.

Sa isa sa pinakahuling litrato na kanyang ibinahagi, sinabi ni Stef na ito ang kanyang ginawa nang mag-lockdown. Ito ay isa sa paraan niya kung paano gawing positibo ang isang negatibong sitwasyon.

This is what I did during lockdown. You can always make a negative into a positive.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Pamilya Pacquiao, kinagiliwan dahil sa kanilang pagiging simple

Si Stefany Marisa Quintos Prescott o mas kilala sa kanyang screen name na Stef Prescott, ay isang Filipino-Americanna na dating naging aktres at modelo. Nakilala siya sa mundo ng showbiz nang mapabilang sa mga avenger sa StarStruck: The Next Level. Isa siya sa pinakapinag-usapan sa kanilang batch dahil sa kanyang personalidad.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Marami sa mga aktres na naging ina ang nagbabahagi ng kanilang weightloss journey. Kabilang sina Andi Eigenmann at Dianne Medina sa ilang mga aktres na nagbabahagi ng kanilang mga ginagawa upang maibalik sa dati ang kanilang pangangatawan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel