Jelai Andres, nasira ang mamahaling wallet na niregalo sa kanya dahil sa sobrang galit

Jelai Andres, nasira ang mamahaling wallet na niregalo sa kanya dahil sa sobrang galit

- Ikinuwento ni Jelai Andres na hindi naging maganda ang kalagayan niya nitong mga nakaraang araw

- Kinailangan pa siyang kabitan ng swero sa bahay dahil ilang araw umano siyang hindi nakakakain

- Sa kanyang panibagong vlog, isa-isang binuksan ni Jelai ang mga regalong kanyang natanggap noong kaarawan niya

- Hindi umano niya ito nabuksan kaagad dahil bukod sa pinagdaanan niya kamakailan, galing pa siya sa lock-in taping

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Jelai Andres na hindi naging madali para sa kanya ang mga pinagdaanan nitong mga nakaraang araw.

Kaugnay ito sa kanyang asawang si Jon Gutierrez na kanyang sinupalpal sa social media kamakailan dahil sa umano'y pagkakaroon nito ng ibang karelasyon.

Jelai Andres, nasira ang mamahaling wallet na niregalo sa kanya dahil sa sobrang galit
Jelai Andres (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Donnalyn Bartolome, ibinahagi ang dahilan kung bakit hirap siyang mag-move on

Para sa kanyang vlog, ibinahagi ni Jelai ang kanyang pag-unbox ng mga regalong binigay sa kanya noong kaarawan niya. Hindi niya ito kaagad nabuksan dahil nasa lock-in taping siya nang ipagdiwang niya ang kaarawan at sa bahay nila ipinadala ang mga regalo.

Naibahagi ni Jelai na sa sobrang asar ay nasira niya ang isang branded na wallet na iniregalo sa kanya. Kahit may punit ay gagamitin pa rin umano niya ito dahil nanghihinayang siya.

Sa nasabing video, marami din ang nakapansin na pilit sinusubukan ni Jelai na maging maayos tingnan. Panay naman ang paalala sa kanya ng kanyang ate Candy Andres na idilat umano nito ang mata niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

Read also

Marvin Ignacio, humingi ng tulong matapos daw siya i-harass ng ilang kalalakihan

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay hindi napagilang ilabas nina Jelai at kapatid nito ang kanilang sama ng loob sa asawa ng aktres na si Jon. Matapos ang pag-trending ng tungkol sa isyu nila, naapektuhan ng husto si Jelai. Sa katunayan, ibinahagi ng kaibigan niya na pumayat na nga ito dahil hindi masyadong nakakakain.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel