Mga anak, naghanda ng simpleng sorpresa sa ama; plastik na lobo at itlog na cake

Mga anak, naghanda ng simpleng sorpresa sa ama; plastik na lobo at itlog na cake

-Nadurog ang puso ng maraming netizens sa larawan ng magkakapatid na naghanda ng sorpresa para sa kanilang ama

-Sa halip kasi na lobo ay plastik na labo at itlog na gawa sa cake ang naihanda ng mga ito

-Ngunit kahit ganito ay marami pa rin ang humanga sa kanilang simpleng handa para mapasaya ang kanilang ama

-Sa kasalukuyan ay mayroon na itong mahigit 80K na reactions at mahigit 40K na shares sa Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mabilis na nag-viral sa social media ang mga larawan ng magkakapatid naghanda ng sorpresa para sa kanilang ama.

Sa halip kasi na mga normal na lobo at cake ay lobong gawa sa plastik na labo at cake na gawa sa itlog ang kanilang naihanda dahil sa kawalan ng panggastos para rito.

Ayon sa uploader ng viral post na si Melody Silang:

Read also

Mga bumbero, nabulabog sa "prank call" na may sunog sa San Juan kahit wala naman

Mga anak, naghanda ng simpleng sorpresa sa ama; plastik na lobo at itlog na cake
Photo: Melody Silang
Source: Facebook

"Nakakatatsss nmn ang mga kapitbahay ko sapagkat kahit mahirap lamang ang buhay nagawa nilang mag effort para sa kaarawan ng kanilang ama ang plano nila ay isorpresa ang ama pagdating sapagkat nag nasa trabaho pa ito...nakakataba ng puso ang gantong mga eksena...sakadahilanang wlang perang pambiling lobo ay nag gawa sila gamit ang plastick labo at sinulatan ng happy birthday papa...at nagawa pa sila ng cake na gawa sa itlog."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kabila nito, maraming netizens ang humanga at pinuri ang ginawa ng mga bata para mapasaya ang kanilang ama.

May mga netizens din ang nag-tag sa GMA program na "Kapuso Mo, Jessica Soho" at sa programa ni idol Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action sa pag-asang matulungan ang mga bata ng mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

66-anyos na ginamot sa loob ng kanyang kotse, nagpasalamat pa rin sa doktor

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, isang grupo naman ng kabataan ang naghanda ng payak na sorpresa para sa isa nilang kaibigan na nagdiwang ng kaarawan.

Samantala, isang kakaibang sorpresa naman ang inihanda ng isang misis para sa kanyang mister na mahilig mag-like sa post ng ibang babae!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel