Mga bumbero, nabulabog sa "prank call" na may sunog sa San Juan kahit wala naman

Mga bumbero, nabulabog sa "prank call" na may sunog sa San Juan kahit wala naman

- Agad na sumugod ang mga bumbero sa lugar na sinasabing may sunog kahit wala naman

- Napag-alamang prank call lamang ito at walang katotohanang may nangangailangan ng kanilang tulong

- Ibinagi ng netizen ang sitwasyon kung saan ilang truck ng bumbero ang napasugod sa kanilang lugar

- Umalma ang mga netizens gayundin ang ilang personalidad sa "sumusobra" nang gawain ng mga manloloko na gumagawa ng prank

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang ibinahagi ng netizen na si Lester Polillo Macion kung saan ilang fire trucks ang dumating sa kanilang lugar sa San Juan dahil nakatanggap sila ng impormasyon na may sunog sa nasabing lugar.

Nalaman ng KAMI na isa pala itong prank call at wala naman talagang sunog na makikita sa larawan.

Mga bumbero, nabulabog sa "prank call" na may sunog sa San Juan kahit wala naman
Photo from Lester Polillo Macion
Source: Facebook
"Shoutout sa tumawag na may sunog daw dito samin. Walang**ya ka pati bumbero pina-prank call mo"

Read also

Yam Concepcion, sinagot na ang paalalang mag-ingat daw siya kay Gerald Anderson

Maraming netizens ang naglabas ng saloobin at talagang hindi natuwa sa ginawang ito ng prank caller na tila wala na raw sa katinuan para gumawa ng inaakala pa nilang "biro"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilang sa kanilang mga komento:

"Sobra na kayo! Hindi biro ang ginawa niyo. Kung nagagawa niyong matawa sa prank call na ito at wala kayong konsensiya, pwes, magpatingin na kayo sa ospital, may sakit na kayo sa utak"
"Wala kayo magawa pati sunog gagawin niyong biro? Paano kung sa susunod di na maniwala ang mga bumbero?"
"This is so alarming. Alam pa kaya ng nagpa-prank na ito na mali na below the belt na ang ginagawa nila? OA na, sobra na"
"Ok, so ECQ at wala kayong magawa sa mga buhay niyo pero ang magbiro na may sunog ay hindi isang biro. Mahanap sana ang gumawa nito at maparusahan!"

Read also

Barangay chairman sa video na hinarang ang mga delivery riders dahil "curfew" na, viral

Maging ang ilang kilalang personalidad ay naglabas na rin ng saloobin tungkol sa insidente ito. Isa na rito ang Filipino-British blogger at television and events host na si James Deakin na siyang nagbahagi rin sa kanyang Facebook post ng nangyari.

"First it was fake grab bookings and food deliveries. Now fake first responder calls. What the hell is wrong with these people?"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan lamang ay ilan na namang mga food delivery riders ang naloko ng fake booking kung saan libo-libo ang halaga ng mga pagkain ino-order ng pekeng customer.

Sa update na ibinahagi ng netizen na kapitabahay ng nabiktima, matapos na mabiktima ang nasa 20 na delivery riders ng Grab, ay Food Panda riders naman ang nabiktima kinabukasan.

Read also

Food delivery rider, nagulat sa libreng "palugaw" ng kanyang naging customer

Pakiusap ng marami na sana'y itigil na ng mga manlolokong ito ang kanilang ginagawa na imbis makatulong sa nararanasang pandemya ay nakaaabala at nakakasama pa sa iba.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica