Fake booking, muli na namang nangyari sa kapitbahay naman ng naunang biktima

Fake booking, muli na namang nangyari sa kapitbahay naman ng naunang biktima

- Muli na namang nambiktima ang parehong pangalan umano ng customer na una nang nakapanloko ng nasa 20 na delivery riders

- Sa update ng concerned citizen, limang Food Panda riders naman ang dumagsa sa kapitbahay ng naunang biktima

- Libo-libong halaga muli ng pagkain ang na-order ng fake customer sa maling address

- Panawagan ng netizen na sana'y makonsensiya na ang mga gumagawa nito lalo na at mahirap ang buhay ngayon dala ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Makalipas lamang ang nasa 24 oras, muli na namang nambiktima ang walang-awang scammer ng Food Panda delivery riders.

Nalaman ng KAMI na kahapon lamang, Abril 3 ay nasa 20 na mga delivery riders naman ng Grab Food ang naloko ng libo-libong halaga ng customer na nagngangalang "Perry Agustin, Mario Agustin at Harold Agustin."

Sa update ng concerned citizen sa lugar na si SheMae Ilano, sinabi nitong ganoong oras din nagsimulang magsidatingan ang mga orders ng nabanggit na pangalan.

Read also

Residente, pinakyaw ang 30 na inumin sa nalokong delivery rider at pinamigay sa kapitbahay

Fake booking, muli na namang nangyari sa kapitbahay naman ng naunang biktima
Photo from SheMae Ilano
Source: Facebook

Ngunit ngayon, kapitbahay naman nang address kahapon ang nabiktima.

"Hoy tama na po! FoodPanda naman ngayon, 5 na deliveries iba address pero kamag anak naman ng kahapon"
"Maawa ka naman, ganito oras nagsimula kahapon! 20 riders na nabiktima mo kahapon"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ang masaklap pa rito, libo ang halaga ng mga order kaya naman malaking kawalan na ito sa mga riders na naghahanapbuhay sa kabila ng pandemya at ECQ para lamang sa kani-kanilang pamilya.

Panawagan na rin ni SheMae sa mga delivery apps na ihinto na muna ang pagtanggap ng order sa mga nasabing pangalan.

Hiling din ng marami na maaksyunan na ang mga panlolokong ito na talamak na noon pa mang nakaraang taon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Delivery riders, nanlumo dahil sa fake booking na umabot hanggang 15,000

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Marami ang nagsasabing isa sa maituturing na frontliners sa laban nating ito sa COVID-19 ang mga food delivery riders. Sila ang halos buwis-buhay na kumukuha at nagdadala sa atin ng ating mga pagkain habang ang marami sa atin ay nakapirmi lamang sa kanilang tahanan.

Nakalulungkot lamang isipin na sa kabila ng kanilang marangal na hanapbuhay ay may mga tao namang nagagawa silang lokohin.

Matatandaang maging noon pang nakaraang taon 2020, madalas na rin ang mga fake booking na ginagawa sa mga food delivery riders.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica