Yam Concepcion, sinagot na ang paalalang mag-ingat daw siya kay Gerald Anderson

Yam Concepcion, sinagot na ang paalalang mag-ingat daw siya kay Gerald Anderson

- Sinagot na ng aktres na si Yam Concepcion ang mga paalala ng netizens na mag-ingat sa kanyang bagong leading man na si Gerald Anderson

- Natatawa at natutuwa raw siya dahil madalas niyang makita ang mga komento ng netizens patungkol sa kanila ni Gerald

- Ayon kay Yam, hindi naman daw niya kailangang mag-ingat dahil very professional at very gentleman daw ang kanyang leading man

- Aminado rin si Yam na 'di pa sila ganoon ka-close ni Gerald at may kaunting ilang pa na napapansin pa ng kanilang mga kasama sa set

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang ilang linggo na mailabas ang trailer ng bagong serye ng ABS-CBN na "Init sa Magdamag", sinagot na rin sa wakas ni Yam Concepcion ang mga paalala sa kanya ng netizens patungkol kay Gerald Anderson.

Nalaman ng KAMI na natatawa at natutuwa rin si Yam sa mga nababasa niyang komento ng netizens na mag-ingat sa kanyang bagong leading man.

Read also

Anthony Taberna, tinanggap na ang komento ng KPop fans ukol sa kamukhang aktor

Yam Concepcion, sinagot na ang mga netizens na nagsasabing mag-ingat siya kay Gerald Anderson
Photo: Yam Concepcion (@yamconcepcion)
Source: Instagram
"Nakakatawa kasi sabi ng mga netizens, O' Yam, mag-ingat ka kay Gerald, ah!’ Iyon ‘yung mga nababasa ko"

Ngunit agad namang dinepensahan ni Yam si Gerald at hindi naman daw siya kailangang mag-ingat sa boyfriend ni Julia Barreto.

Aniya, very professional at very gentleman daw na katrabaho si Gerald sa set.

"Pag ka-trabaho mo si Gerald, he’s very professional at saka very gentleman, di niya pinaramdam sa akin na may mali siya."

Isang sexy drama ang "Init sa Magdamag" at makikita pa lang sa trailer ang ilang mga eksena nila bilang sina "Rita at Tupe"

Dahil dito, nabanggit din ni Yam na hindi pa sila ganoon ka-komportable sa isa't isa ni Gerald na napapansin din ng kanilang mga kasama sa serye.

"Di pa kami ganoon ka-close. Nandun pa ‘yung ilangan. Kinailangan naming magkaroon ng 30 minutes with each other to get to know each other. May ganun kami, kasi nakita nila na naiilang kami sa isa’t isa”

Read also

Barangay chairman sa video na hinarang ang mga delivery riders dahil "curfew" na, viral

Kaya naman masasabi ni Yam na malaking challenge ang pagsasama nila sa bagong teleserye dahil ni minsan ay hindi pa sila nagkausap o nagkasama sa isang project ni Gerald noon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng naging media conference ng Init sa MAgdamag nina Yam Concepcion, Gerald Anderson kung saan kasama rin nila si JM De Guzman.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Yam Concepcion o Lorraine May "Yam" Concepcion sa totoong buhay ay sumikat sa kanyang husay sa pagganap sa ilang mga pelikula at maging sa mga palabas sa telebisyon.

Ilan sa mga pinakasumikat niyang pagganap ay sa teleseryeng Dugong Buhay at Halik.

Tumatak sa maraming manonood ang kanyang mahusay na pagganap bilang si Jade sa teleseryeng Halik kung saan nabansagan siyang "Pambansang Kabit".

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel