Anthony Taberna, tinanggap na ang komento ng KPop fans ukol sa kamukhang aktor

Anthony Taberna, tinanggap na ang komento ng KPop fans ukol sa kamukhang aktor

- Ibinahagi ni Anthony Taberna ang kanyang larawan at ng Korean actor na sinasabing kamukha niya

- Marami-rami na raw kasi ang nagta-tag sa kanya na kamukha niya si Uhm Ki Joon

- Kaya naman malugod niyang pinanindigan ang mga komento ng KPop fans na nagsasabi ng malaking pagkakahawig niya sa aktor

- Ayon naman kay Anthony, ang pagbabahagi ng kanilang larawan ay 'diversion' lamang niya sa mataas na bilang ng COVID-19 noong April 2

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan kamakailan ang Instagram post ni Anthony Taberna kung saan 'pinanindigan' na niya ang sinasabi ng marami na kamukha niyang Korean actor na si Uhm Ki Joon.

Nalaman ng KAMI na noong Abril 2, ipinagtabi ni "Ka Tunying" ang kanyang larawan gayundin ang litrato ng aktor sa "The Penthouse."

Anthony Taberna, pinanindigan na ang komento ng mga KPop fans sa kamukha raw niyang aktor
Photo: Anthony Taberna (@iamtunying28)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Fake booking, muli na namang nangyari sa kapitbahay naman ng naunang biktima

Kapansin-pansin nga naman ang malaking pagkakahawig ng dalawa lalo na at pareho pa sila halos ng porma sa mga larawan.

"Tutal ay maraming nagta-tag sakin na hawig ko raw ang Kissing Bandit ng KDrama na The Penthouse, pangangatawanan ko na!"

Nagbiro pa ang mahusay na broadcast journalist na siya na raw si "Joo Dan Tunying."

Subalit sa bandang huli ng kanyang post, sinabi niyang 'diversion' lamang niya ito dahil sa umabot ng mahigit 15,000 ang mga naitalang nagpositibo sa COVID-19 noong Abril 2.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Anthony Taberna o mas kilala bilang si "Ka Tunying" ay isang broadcast journalist sa bansa. Naging bahagi siya ng morning show ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda at ng Dos Por Dos.

Kasalukuyan nang bahagi ng DZRH si Anthony na dating nasa DZMM. Ito ay dahil sa nangyaring shutdown ng ABS-CBN.

Read also

Ivana Alawi, ibinahagi ang "bonding day" nila ng kutsinta vendor sa viral video

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matapos ang kanilang rebelasyong tungkol sa mga pinagdaanan ng kanilang pamilya kaugnay sa kanilang anak at maging sa negosyo, ibinahagi rin niyang unti-unti na nila itong nalalampasan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel