Ivana Alawi, ibinahagi ang "bonding day" nila ng kutsinta vendor sa viral video

Ivana Alawi, ibinahagi ang "bonding day" nila ng kutsinta vendor sa viral video

- Makalipas ang ilang linggo, ibinahagi na ni Ivana Alawi ang naging bonding day nila ng kanyang "Tatay Joselito"

- Si Tatay Joselito ang kutsinta vendor na tumulong sa kanya nang magpanggap siyang pulubi kaya naman dinagdagan pa niya ang biyaya niya para rito

- Ipinakita ni Ivana ang pagbibigay din niya ng motorsiklo para sa kanyang Tatay Joselito na naiyak sa kabaitan ng aktres

- Nagbigay reaksyon na rin siya tungkol sa kasong maari umano niyang kaharapin dahil sa kanyang viral "street prank"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi na ni Ivana Alawi sa kanyang YouTube Channel ang ilang mga kaganapan sa naging bonding nila ng kanyang "Tatay Joselito."

Matatandaang si Joselito Martinez ang kutsinta vendor na nagbigay ng labis na tulong kay Ivana nang magpanggap itong pulubi.

Nalaman ng KAMI na Marso 14 nang ibahagi ni Ivana ang nakakaiyak na vlog na ito na may pamagat na "Prank on strangers on the street, Umiyak ako, di ko kinaya!"

Read also

Ivana Alawi, handang harapin ang kasong maugong na isasampa sa kanya dahil sa 'street prank"

Ivana Alawi, ibinahagi ang "bonding day" nila ng kutsinta vendor na tumulong sa kanya
Photo from Ivana Alawi
Source: Instagram

Makalipas lamang ang ilang araw mula nang makunan ang naturang video ay nagkita muli sila ng kanyang Tatay Joselito.

"Right after ng vlog na nilabas ko yung street prank, nagkita kami after 2 days, ta's pinaswab ko siya, nag-usap, nag-lunch and I helped out on my own small ways so 'yun."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Makikita sa video na ipinamili niya ito ng mga appliances at iba pang mga gamit sa bahay at pati na rin ang motorsiklo na naibahagi na rin mismo ni Tatay Joselito sa kanyang sariling YouTube channel.

Nagbigay reaksyon na rin si Ivana sa maugong na balitang maari siyang makasuhan sa nagawa niyang street prank.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video:

Read also

Anak ni Claire Dela Fuente, may pakiusap sa basher ng kanyang Tiktok para sa ina

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 12 million ang kanyang YouTube subscribers.

Noong Marso 14, ibinahagi ni Ivana ang kanyang vlog kung saan nagpanggap siyang namamalimos sa mga tao sa lansangan.

Labis na humanga si Ivana sa kabutihan ng mga Pinoy na sa kabila ng hirap na dinaranas ay nakuha pa ring tumulong sa iba.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel