Anak ni Claire Dela Fuente, may pakiusap sa basher ng kanyang Tiktok para sa ina
- Sinagot ni Gigo De Guzman ang netizen na tila kinuwestyon ang paggawa niya umano ng TikTok video na "tribute" para sa ina
- Ipinaliwanag ni Gigo na ang naturang video ay orihinal niyang naibahagi noong Pebrero 22 pa
- Sinabihan din niya ang netizen na magbasa muna bago magkomento
- Hiling din niya ang respeto lalo na at kasalukuyan pa rin siyang nagluluksa sa biglaang pagpanaw ng kanyang ina
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hindi nakawala sa mata ng ilan umanong bashers ang TikTok video ni Gregorio "Gigo" De Guzman para sa yumaong ina na si Claire Dela Fuente.
Nalaman ng KAMI na na-repost ni Gigo ang kanyang TikTok video na ginawa noong Pebrero na mayroong caption na "A tribute to my mom."
Nataon kasi ito sa biglaang pagkamatay ng "Jukebox queen" kahapon, Marso 30.
Bagaman at bumuhos ang pakikiramay ng netizens kay Gigo sa malungkot na nangyari sa kanyang ina, may ilang tila kinuwestyon siya sa pag-post ng naturang video.
Isang TikTok user kasi na may pangalan na "alrickerick" ang nagkomento ng "Wow, nakuha pa niya talaga mag-TikTok. ang galing!" video ni Gigo.
'Di naman niya ito pinalampas at nilinaw na ang naturang video ay nagawa noong pang Pebrero 22 ng kasalukuyang taon.
"Kung 'di po kayo marunong magbasa, 'yang TikTok na yan, ginawa ko last February."
"Pwede po ba magbasa muna tayo bago tayo magko-comment"
Hiniling din ni Gigo ang respeto lalo na at nagluluksa pa siya at ang kanilang pamilya sa ngayon sa pagpanaw ng kanyang ina.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Marso 30 nang gumulantang sa publiko ang biglaang pagpanaw ng isa sa mga "OPM legend" ng bansa na si Claire Dela Fuente dahil sa atake sa puso. Ilang araw din itong kinakitaan ng sintomas ng COVID-19 na siyang dahilan kung bakit sa ospital siya binawian ng buhay habang natutulog.
Tinagurian siyang "Asia's sweetest voice" at siya rin ang nagpasikat ng mga awiting "Minsan, Minsan", "Nakaw na Pag-ibig" at "Sayang". Isa rin siya sa tinaguriang "Jukebox queens" kasama si Eva Eugenio, Imelda Papin at Didith Reyes.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Marami rin ang nagsasabing siya ang "Karen Carpenter" ng Pilipinas. Kamakailan, nasangkot sa kontrobersya ang anak nitong si Gregorio De Guzman na isa umano sa akusado sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Hanggang sa huli, patuloy niyang ipinaglalaban ang pagiging inosente ng kanyang anak sa kontrobersyal na pagkamatay ni Dacera. Mapapansin ito sa mga huling social media post ng veteran singer.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh