OPM Singer Claire Dela Fuente, pumanaw na sa edad na 62
- Sumakabilang buhay na ang isa sa OPM Legend na si Claire dela Fuente
- Kinumpirma ito ng composer at producer na si Jonathan Manalo na malapit sa pamilya ng singer
- Agad naman itong naibahagi ng ABS-CBN correspondent na si MJ Felipe sa kanyang Twitter post
- Sinasabing cardiac arrest ang sanhi ng biglaang pagkamatay ng OPM legend
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Pumanaw na ang isa sa mga haligi ng OPM sa bansa na si Claire Dela Fuente sa edad na 62.
Nalaman ng KAMI na kinumpirma ng composer at producer na si Jonathan Manalo ang malungkot na balita bilang isa siya sa malapit na kaibigan ng pamilya ni Dela Fuente.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Agad naman itong ibinahagi ng ABS-CBN correspondent na si MJ Felipe sa pamamagitan ng isang Twitter post ayon sa Inquirer.
Sinabing cardiac arrest ang dahilan umano ng biglaang pagkamatay ng OPM legend ngayong umaga ng Marso 30 base sa ulat ng Manila Bulletin.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Si Claire Dela Fuente ay isa sa mga sikat na OPM singer sa bansa na gumawa ng pangalan sa larangan ng musika noon dekada 70.
Tinagurian siyang "Asia's sweetest voice" at siya rin ang nagpasikat ng mga awiting "Minsan, Minsan", "Nakaw na Pag-ibig" at "Sayang".
Isa rin siya sa tinaguriang "Jukebox queens" kasama si Eva Eugenio, Imelda Papin at Didith Reyes.
Marami rin ang nagsasabing siya ang "Karen Carpenter" ng Pilipinas.
Kamakailan, nasangkot sa kontrobersya ang anak nitong si Gregorio De Guzman na isa umano sa akusado sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Hanggang sa huli, patuloy niyang ipinaglalaban ang pagiging inosente ng kanyang anak sa kontrobersyal na pagkamatay ni Dacera. Mapapansin ito sa mga huling social media post ng veteran singer.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh