Special amelioration program para sa NCR Plus, aprubado na ni Pres. Duterte
- Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong special amelioration program para sa mga apektado ng enhanced community quarantine
- Ito ay ang mga mamamayang nasa NCR plus bubble o Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna
- Sa isang Facebook post ni Senator Bong Go, ilang larawan kaugnay nito ang ibinahagi ng senador
- Sa lingguhang 'talk to the people' ng presidente, sinabi ni Budget Secretary Wendell Avisado na aabot sa 22.9 million low-income individuals ang makakatanggap ng P1,000 in kind
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong special amelioration program para sa mga Pilipinong apektado ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ito ay ang mga mamamayang nasa NCR plus bubble o Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna.
Sa isang Facebook post, nagpasalamat si Senator Christopher 'Bong' Go kay Pangulong Duterte sa agarang ayuda para sa mga mahihirap na apektado ng ECQ.
"AYUDA APRUBADO NA NI PRRD!
"Nagpapasalamat ako kay Pangulong Duterte sa kanyang pagtugon sa ating panawagan na magbigay ng agarang ayuda para sa mga mahihirap na apektado ng ECQ sa NCR, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna," ayon sa post.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Sa lingguhang 'talk to the people' ng presidente, sinabi ni Budget Secretary Wendell Avisado na aabot sa 22.9 million low-income individuals ang makakatanggap ng P1,000 in kind sa ilalim ng programa.
80 porsyento ng populasyon ng NCR plus ang mabibigyan nito ayon kay Senator Go.
Ang Department of Budget and Management ay maglalabas ng P22.9 billion para sa mga local government units na nasa NCR Plus bubble.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Samantala, sa isa pang report ng KAMI, dumating na sa bansa ang isang milyong doses ng Sinovac vaccines na binili ng gobyerno sa Chinese biopharmaceutical company na Sinovac Biotech.
Matatandaang kamakailan lang nang linawin ni PRRD ang isyu kaugnay sa mga dumating na mga bakuna sa bansa.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh