Pangulong Duterte, nilinaw na wala pa ang mga nabiling bakuna ng gobyerno

Pangulong Duterte, nilinaw na wala pa ang mga nabiling bakuna ng gobyerno

- Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala pang dumarating sa mga nabiling COVID-19 vaccines ng gobyerno

- Sa kanyang public address kagabi, nilinaw nito na mga donasyon pa lamang mula sa China at COVAX facility ang mga dumating na bakuna sa bansa

- Ani President Duterte, ang listahan ng mga loans ng gobyerno na nagmula sa hindi pinangalanang senador ay approved list pa lamang at hindi pa nahahawakan ng gobyerno

- Matatandaang kamakailan, ay kinuwestyon ni Senator Panfilo Lacson ang COVID-19 vaccination program ng gobyerno

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa public address ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, nilinaw nito na wala pang dumarating sa mga nabiling COVID-19 vaccines ng gobyerno

Ayon sa pangulo, ang lahat ng dumating na bakuna na ginagamit sa early phase ng vaccine rollout ay pawang mga donasyon lang mula sa China at COVAX facility.

Read also

Mark Anthony Fernandez, "eligible" na mabakunahan agad ayon kay Mayor Olivarez

"I've stressed the point that ang dumadating puro donated by the [World Health Organization] and China. Wala pa tayong bakuna," ayon kay Duterte.

Pangulong Duterte, nilinaw na wala pang nabibiling bakuna ang gobyerno
Photo: Screen grab from PTV
Source: Facebook
"Sabi niyo, 'Saan ang bakuna?' Bakuna nabili? Wala. Wala tayong bakunang nabili. Wala pa. Kung magdating man, mga next week siguro then that would be the time that they would notify… kayo," dagdag pa ng presidente.
"Up to this time, there is no bakuna na binili natin, na dumating," ani PRRD.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi rin pinalagpas ng pangulo ang tungkol sa listahan na ibinigay umano ng hindi pinangalanang senador.

"I have a list coming from a senator. Approved lang ito, list. Approved list lang ito, hindi ito pera na binigay kasi pambayad nga doon eh. It's the World Bank who will pay. Papel lang 'yan eh, all paper," dagdag pa niya.

Read also

Liza Soberano, di raw apektado sa mga pahayag ni Jam Magno ukol sa kanya

Matatandaang kamakailan, ay kinuwestyon ni Senator Panfilo Lacson ang COVID-19 vaccination program ng gobyerno.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kasama rin sa tinalakay ni Pangulong Duterte ang umano'y pagpapabakuna ng ilang mga alkalde.

Pinaiimbestigahan din nito ang pagpapabakuna ng anak ng isang aktor na nauna nang naiulat ng KAMI.

Si Rodrigo Roa Duterte o mas kilala bulang ‘Digong’ o ‘Rody’ ay ang panglabing anim na presidente ng Pilipinas. At kauna-uanahan na galling sa Mindanao. Sa edad niyang 71, siya na ang pinaka matandang naging president ng Pilipinas. Si Digong din ang isa sa may pinakamahabang taon ng serbisyo sa pagiging Mayor ng Davao City na may 7 termino o 22 taon sa serbisyo.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone