Mark Anthony Fernandez, "eligible" na mabakunahan agad ayon kay Mayor Olivarez

Mark Anthony Fernandez, "eligible" na mabakunahan agad ayon kay Mayor Olivarez

- Nilinaw ni Mayor Edwin Olivarez ng Parañaque City na "eligible" umano ang aktor na si Mark Anthony Fernandez na maunang mabakunahan ng COVID-19 vaccine

- Ito ay matapos na umani ng batikos ang aktor nang lumabas sa social media ang pagpapabakuna nito

- Isa sa mga umalma ay ang DILG na sinabing hindi umano dapat inuna ang aktor

- Nito lamang Lunes, Marso 22 nang mabakunahan ang aktor na wala umanong dinanas na side effects mula sa COVID-19 vaccine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dinipensahan ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang aktor na si Mark Anthony Fernandez matapos nitong maunang mabigyan ng COVID-19 vaccine nitong Lunes, Marso 22.

Nalaman ng KAMI na tila umani ng batikos ang aktor matapos na lumabas sa social media na isa nga siya ng mga nabigyan ng bakuna sa Parañaque City.

Read also

Diocese of Tagum, humingi ng tawad sa publiko dahil sa viral video ng 'galit' na pari sa binyag

Ayon sa panayam kay Mayor Olivarez ng ABS-CBN News, sinabi nitong "eligible" ang aktor na maagang mabigyan ng vaccine dahil sa mga "comorbidities" nito kagaya ng hypertension.

Mark Anthony Fernadez, "eligible" sa priority list ng COVID-19 vaccine ayon kay Mayor Olivarez
Mark Anthony Fernadez (Photo by Jopet Sy/Wikimedia Commons)
Source: UGC
Kinausap ko po 'yung ating city health office Dr. Virtusio regarding the issue of Mark Fernandez and according to her, 'yung tumingin sa kanyang doktor, siya ay may comorbidities."

Dagdag pa ng alkalde na nagkaroon at dumanas din umano ng depresyon si Mark dahilan para isunod na siya sa mga frontliners at mga senior citizen sa kanilang lungsod.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Samantala, sinabi rin ng alkalde na lahat na ng kanilang mga medical frontliners ay nabigyan na ng bakuna kaya ang mga senior at ang mga tulad ng aktor na mayroong mga comorbidity ang kanila na ngayong binibiyan ng COVID-19 vaccine.

Kaya naman ayon kay Mayor Olivarez, wala umano silang nilalabag kaugnay sa pagbibigay ng bakuna.

Read also

Social media influencer na si Jam Magno, pinagsabihan si Liza Soberano

"Wala po kaming nilalabag, 'yung ating mga vaccination team po sinunod nila ang procedure ng prioritization ng vaccine"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Mark Anthony Fernandez ay isang aktor na anak ng mga batikang artista sa bansa na sina Alma Moreno at Rudy Fernandez. Huli siyang napanood sa teleseryeng 'Ang Probinsyano.'

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay naging usap-usapan si Mark Anthony matapos isiwalat ni Lolit Solis na nakatira ang aktor sa bahay ng kanyang kaibigan.

Inaasahang mapapanood muli si Mark Anthony sa pelikulang "Biyernes Santo." Marami rin ang nagulat sa bagong anyo ng aktor na nakapagbawas ng 40 pounds sa kanyang timbang.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel