Diocese of Tagum, humingi ng tawad sa publiko dahil sa viral video ng 'galit' na pari sa binyag
- Naglabas ng opisyal na pahayag ang Diocese of Tagum Davao Del Norte tungkol sa viral video ng pari na umano'y galit habang nagbibinyag
- Marso 13 nang kumalat ang video ng pari sa binyag na 'di napigilan ang sarili nang halos mahablot ang sanggol na di maipwesto ng ina
- Nagdulot ito ng matinding pambabatikos mula sa publiko lalo na at naaktuhan sa video ang nagawa umano ng pari
- Nakausap na ng naturang diocese ang magkabilang panig at nagkaayos na rin naman ang mga ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Humingi ng kapatawaran ang Diocese of Tagum sa Davao Del Norte kaugnay sa viral video umano ng isang pari sa kanilang lugar na tila "galit" habang isinasagawa ang binyag.
Nalaman ng KAMI na ang video na ito ay naibahagi ng netizen na si May Flor Concon Decano noong Marso 13.
Makikita roon kung paanong hindi na umano napigilan ng pari na halos mahablot ang sanggol na hindi maipwesto ng ina kaya hindi ito mabuhusan ng tubig ng pari bilang bahagi ng seremonya.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Umani ito ng batikos mula sa publiko na hindi nagustuhan ang umano'y inasta ng pari.
"We ask for everyone's forgiveness for the pain and scandal this may have caused," ayon sa inilabas na pahayag ng Diocese of Tagum na ibinahagi rin ng Abante.
Nakausap na rin ng pamunuan ng naturang diocese ang pari gayundin ang pamilya ng bininyagang sanggol at nagkasundo na rin naman ang mga ito.
Dahil dito, nakiusap din silang huwag nang ikalat pa ang video at itigil na ang pagpapalaki pa umano ng naging kontrobersiya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Samantala, nabinyagan na rin ang dalawang sanggol na naitampok sa "baby switching" episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Ninang at ninong ang kani-kanilang mga magulang ng mga nagkapalitang sanggol na napamahal na rin sa kanila.
Bagaman at hindi nakarating ang isa sa mga ninang na si Jessica Soho, nagpabatid naman ito ng mensahe sa magkabilang mga pamilya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh