Mga sanggol sa "baby switching" episode ng KMJS, nabinyagan na
- Nabiyagan na ang mga sanggol sa "baby switching" episode ng Kapuso mo, Jessica Soho
- Ninong at ninang ang kanilang mga magulang ng parehong mga sanggol
- Naging emosyonal ang bawat isa nang makita muli ang mga baby na nakapalitan nila lalo na at nasa isang buwan din ang kanilang pinagsamahan
- Hindi nakarating si Jessica Soho na isa umano sa mga ninang dahil na recording day ng KMJS ang araw na bininyagan ang mga sanggol
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nabiyagan na ang mga baby na sina Ayu at Kairo, ang mga sanggol sa "baby switching" episode ng Kapuso mo, Jessica Soho.
Nalaman ng KAMI na ibinahagi ng pamilya Mulleno sa YouTube channel ni Margareth Traballo-Mulleno ang mga kaganapan sa Dedication day ng dalawang babies.
Sabay itong ginanap noong nakaraang linggo kaya naman nagkita muli ang magkabilang panig.
Gaya ng naipangako sa bawat isa, ninong at ninang sila ng sanggol na pansamantala noong napiunta sa kanila.
Hindi naiwasang maging emosyonal ng mga ina na sina Aphril at Margareth nang magbigay na sila ng mensahe sa kanilang mga baby.
Na-miss daw nila ang mga ito lalo na at isang buwan din nilang inalagaan ang mga sanggol na napunta sa kanila.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Nabanggit din ng pamilya Mulleno na hindi na nakarating ang isa pang ninang nina baby Ayu at baby Kairo na si Jessica Soho. Dala ng schedule nito na kasabay ng recording day ng kanyang programa, hindi na ito nakasipot para sa dedication day ng dalawang sanggol na kapiling na ang kani-kanilang pamilya.
Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Margareth Traballo-Mulleno:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Enero 31 nang isa-ere ng KMJS ang kwento ng hinihinala pa noong napalitang sanggol sa ospital. Marami ang naalarma at nabahala sa kwentong ito sa pag-aakalang sa pelikula lamang o teleserye nangyayari ang ganitong sitwasyon.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Umabot sa part 5 ang episode na ito ng KMJS kaya naman marami ang natuwa at "happy ending" naman ang kinahinatnan ng dalawang sanggol sa dalawang pamilya.
Mayroon na ring YouTube channel ang parehong pamilya, Ang Sifiata Family Channel at Margareth Traballo-Mulleno.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh