Mga sanggol sa "baby switching" ng KMJS, nasa totoo na nilang mga magulang
- Matapos ang halos mahigit na isang buwan, nakumpirma nang nagkapalit nga ng sanggol ang pamilya Sifiata at pamilya Mulleno
- Ito ay matapos na sumailalim sa ilang DNA test ang mga ina at sanggol
- Sa ikalawang set ng DNA test na isinagawa ng parehong pares ng sanggol at kanilang ina, lumabas na 99.99998%. na ang probability of maternity ng mga ito
- Bagaman at ni-refund ng ospital ang ginastos sa panganganak ng parehong pamilya, desidido pa rin silang kasuhan ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nasa kamay na ng kani-kanilang mga totoong mga magulang ang mga sanggol sa "baby switching" na naipalabas ng programang "Kapuso mo, Jessica Soho" (KMJS).
Nalaman ng KAMI na sa ikalawang DNA test na isinagawa ng KMJS sa parehas na pares ng mag-ina lumalabas na 99.99998%. na ang probability of maternity ng mga ito.
Nangangahulugan na nagkapalit lamang ng sanggol sina Aphril at Marvin Sifiata sa baby na inakalang anak nina Margareth Traballo and Kim Jasper Mulleno.
Makalipas ang mahigit na isang buwan, nasa kamay na ng mga magulang ang totoo nilang mga anak.
Masayang-masaya ang mag-asawang sina Aphril at Marvin na siyang unang nakapansin na hindi nila anak ang naiuwi mula sa ospital.
Ito ang dahilan kung bakit humingi ng tulong si Aphril sa KMJS lalo na at nahirapan na rin sila sa pakikipag-usap sa ospital kung saan siya nanganak.
Samantala, sina Margareth naman at Kim Jasper ay kampante noong una na anak na nila ang sanggol na naiuwi.
Ngunit para makumpirma, pumayag na rin ang mga ito na sumailalim sa unang DNA test.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Doon lumabas na negatibo at hindi nga anak ni Margareth ang sanggol na nasa kanilang pangangalaga. Gayundin si Aphril na nag-negatibo rin ang DNA test kaya kumpiyansa itong napalitan nga ang kanyang sanggol.
Kaya naman ngayon, wala nang pag-aalinlangan ang dalawang pamilya dahil sa nakumpirma nilang mga anak na nila ang kanilang maiuuwi.
Samantala, nagbigay ng full refund ang ospital kung saan naganap umano ang baby switching. Sa kabila nito, itutuloy pa rin ng dalawang pamilya ang pagsasampa nila ng kaso laban sa pagamutan lalo na at ito pala ang kauna-unahang naitalang baby switching sa Pilipinas ayon sa Department of Health.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Enero 31 nang isa-ere ng KMJS ang kwento ng hinihinala pa noong napalitang sanggol sa ospital. Marami ang naalarma at nabahala sa kwentong ito sa pag-aakalang sa pelikula lamang o teleserye nangyayari ang ganitong sitwasyon.
Umabot sa part 5 ang episode na ito ng KMJS kaya naman marami ang natuwa at "happy ending" naman ang kinahinatnan ng dalawang sanggol sa dalawang pamilya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh