Empleyadong nanalo ng kotse sa raffle, ibinigay ang premyo sa katrabaho

Empleyadong nanalo ng kotse sa raffle, ibinigay ang premyo sa katrabaho

- Ibinigay ng isang empleyado na nanalo ng kotse sa raffle ng kanilang kompanya ang premyo sa kanyang katrabaho

- Mas kailangan daw ito ng kanyang kaibigan na naka-bisikleta lamang umano sa pagpasok sa trabaho

- Hindi naman makapaniwala ang kaibigang pinagbigyan dahil mahalagang bagay ang pagkakaroon ng sariling kotse

- Proud naman ang restaurant sa pinakikitang kabutihang asal ng kanilang mga emplayado na kinakitaan din nila umano ng dedikasyon sa trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga ang ginawa ng empleyadong si Haley Bridges nang ibigay niya ang kanyang napanalunan sa Christmas raffle na 2008 Hyundai Elantra na sasakyan sa kanyang katrabaho.

Nalaman ng KAMI na hindi nagdalawang isip si Haley na ibigay na lamang ang sasakyan kay Hokule’a Taniguchi, isa ring empleyado ng pinapasukan nilang Chick-fil-A sa Appleton, Wisconsin.

Kwento ni Haley sa panayam sa kanya ng WFRV Local 5, malapit na kaibigan na parang kapatid na rin ang turing niya kay Hokule’a.

Read also

Dating inmates na naging mag-pen pal, tumibay lalo ang relasyon nang makalaya

Empleyadong nanalo ng kotse sa raffle, ibinigay ang premyo sa katrabaho
Photo from Chick-fil-A Appleton
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nakikita raw niya itong bisikleta lamang ang gamit sa pagpasok sa trabaho na labis na mahirap lalo na at nakararanas sila ng snow ngayon.

Dahil dito, agad na naisipang ibigay na lamang ni Haley ang premyo kay Hokule’a upang may magamit itong sasakyan sa pagpasok sa trabaho.

"I really just started crying because I was so happy. I was like, Oh my gosh! I can't believe this is real," ani Hokule’a na talagang emosyonal sa kabaitan ng kanyang kaibigan.

"Everyone in the room felt like they were gone. It felt as if it was just us two in the moment. We hugged each other hard and cried so much. Everyone else was either crying or clapping," kwento naman ni Haley tungkol sa naging reaksyon niya nang malamang siya ang nanalo ng kotse.

Read also

Lalaking nagbanta at nag-post na may hawak na granada, selos daw ang dahilan

Dahil dito, ipinagmamalaki naman sila ng restaurant na pinapasukan dahil sa kinakitaan di lamang ng dedikasyon sa trabaho ang kanilang mga empleyado kundi ang pagmamalasakit at kabaitan sa isa't isa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa Pilipinas, isa namang empleyado ang nabigyan ng ikalawang pagkakataon ng kanyang pinapasukang trabaho matapos na masisante.

Ang kanyang boss na si Basel Manadil na kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer ay patuloy na nagpapalawig ng kanyang negosyo upang mas marami umanong mga Pilipino ang mabigyan niya ng trabaho.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica