Dating inmates na naging mag-pen pal, tumibay lalo ang relasyon nang makalaya

Dating inmates na naging mag-pen pal, tumibay lalo ang relasyon nang makalaya

- Nagkakilala ang magkasintahan sa kulungan matapos na sila ay magkasulatan bilang paraan ng pag-uusap

- Nasilayan lamang ng lalaki ang babae tuwing napapadaan ito sa roof top ng bilangguan

- Hanggang sa sinulat na ng babae ang kanyang pangalan sa papel at naging hudyat na ng kanilang pagiging mag-pen pal

- Ngayong nakalaya na sila, isang taon na rin ang kanilang relasyon at mas lalong tumitibay ang kanilang pagmamahalan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang namangha sa kakaibang love story ng dating inmates na sina Raymond at Arianne nang ibahagi nila ito sa 'Bawal Judgmental' ng 'Eat Bulaga.'

Nalaman ng KAMI na nakikita lamang umano ni Raymond na dumaraan si Arianne sa rooftop ng bilangguan tuwing ito umano ay sumasamba.

Nagsimula sila sa mga senyasan hanggang sa isinulat na ng babae ang kanyang pangalan sa papel at inihulog pababa sa kinaroroonan ni Raymond.

Read also

Sexbomb Jopay Paguia, buntis na sa ikalawang anak nila ni Joshua Zamora

Dating inmates na naging mag-pen pal, tumibay lalo ang relasyon nang makalaya
Si Raymond (Photo credit: Eat Bulaga)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Iyon na ang hudyat ng kanilang pagiging mag-pen pal. Unang lumaya si Arianne at ilang araw lang ang lumipas ay nakalabas na rin ng bilangguan si Raymond.

Magaling daw sumayaw ang nobyo ayon kay Arianne na madalas nilang mapanood kung may event sa loob ng kulungan.

Ngayong laya na sila, mas lalong tumibay ang kanilang pag-iibigan. Tumagal na rin ang isang taon ang kanilang pag-iibigan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Marami-rami na ring mga love story mula sa 'Bawal Judgmental' ng Eat Bulaga ang umantig sa puso ng mga netizens.

Kamakailan, namangha rin ang marami sa love story ng 'foreignay' at nobyo nitong Pinoy naging panauhin din ng nasabing programa.

Read also

Mag-asawa na 48 taong magkasama, halos sabay na pumanaw dahil sa COVID-19

Samantala, mayroon din namang mga kwento ang mga naging guest ng Bawal Judgmental na nagpaluha sa marami tulad na lamang ng kinahantungan ng pag-iibigan nina Danny Cortezano at Lorna na kahit 34 taon ang pagitan ng kanilang edad ay masaya silang nagsama hanggang sa bawian na ng buhay ang misis nito lamang Disyembre ng 2020.

Ang 'Bawal Judgmental' ay bahagi ng longest-running noontime show sa bansa ang "Eat Bulaga."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel