Mag-asawa na 48 taong magkasama, halos sabay na pumanaw dahil sa COVID-19

Mag-asawa na 48 taong magkasama, halos sabay na pumanaw dahil sa COVID-19

- Oras lamang ang pagitan ng mag-asawang sina Juan at Blanca Rodriguez nang pumanaw sila dahil sa COVID-19

- Parehong 67 taong gulang at masayang nagsasama sa loob ng 48 na taon

- High School sweethearts daw ang dalawa na mula noon ay hindi na nagkahiwalay pa

- Matapos na maka-video call ang pamilya, unang pumanaw si Blanca at hindi nagtagal ay sumunod din ang mister na si Juan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hanggang sa kanilang huling hininga, tila ayaw nilang iwan nina Juan at Blanca Rodriguez ng San Diego, California ang isa't isa.

Nalaman ng KAMI na sila ang mag-asawang oras lamang ang pagitan nang parehong pumanaw dahil sa COVID-19.

Ayon sa ulat ni Christina Zdanowicz ng CNN, nakapanayam nito ang anak ng dalawa ay ikinuwentong high school sweethearts pa pala ang mga ito.

Basel Manadil, umani ng papuri sa ginawang pagtulong sa tindera ng tubig
Mag-asawang 48 taong magkasama, halos sabay na pumanaw dahil sa COVID-19

Photo credit: Blanca Velasquez
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Mula noon, hindi na nagkahiwalay pa ang dalawa hanggang sa sila ay ikasal noong 1972. 48 taon din silang nagsama.

Pebrero 1 nang parehong isinugod sa magkaibang ospital ang mag-asawa ayon sa People. Tanging video conferencing lamang ang paraan nila upang makausap at makumusta ang bawat isa.

Hindi raw akalain ng kanilang pamilya na tatamaan ang mga ito ng virus gayung nag-iingat sila at hindi na halos lumabas.

Isang linggo lamang ang itinagal at napapansin ng mga doktor na lalong lumalala ang kalagayan ni Juan.

Doon nagdesisyon ang kanilang pamilya na mag-video sa mga magulang upang maihanda sila sa maaring mangyari.

"My mom was on the Zoom call, and she told my dad that she was happy that she was able to share her life with him, and she thanked him for being the love of her life," ayon sa anak nilang si Blanca Velasquez.

Barbie Imperial at Diego Loyzaga, inamin kung paano nagsimula ang relasyon nila

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilang sandali lamang matapos ang kanilang Zoom call, nakatanggap muli ng tawag si Blanca mula sa doktor ng ina at sinabing kailangan na rin nila itong ma-intubate.

Ayon sa Dailymail, Pebrero 8 nang tuluyang bawian ng buhay ang mag-asawang parehong 67-anyos.

Unang namaalam si Blanca bandang 12:30 a.m. at 'di nagtagal, nalaman nilang pumanaw na rin si Juan bandang 4:18 a.m.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Makalipas ang halos isang taon, patuloy pa rin ang paglaganap ng COVID-19 sa iba't ibang panig ng daigdig.

Sa Pilipinas, nasa ilalim pa rin ng general community quarantine ang ilang bahagi ng bansa na kinakikitaan pa rin ng bilang ng mga nagpo-positbo sa nasabing virus habang mas maluwag na community quarantine naman ang iba.

Mag-BFF noong elementarya, nahulog sa isa't isa at naging mag-asawa na

Hindi pa rin pinahihintulutan ni Pangulong Duterte ang face-to-face classes sa Pilipinas lalo na at wala pa raw umanong vaccine na nakararating sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel