Barbie Imperial at Diego Loyzaga, inamin kung paano nagsimula ang relasyon nila

Barbie Imperial at Diego Loyzaga, inamin kung paano nagsimula ang relasyon nila

- Aminado sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga na parehas silang na-friend-zone noong una sa isa't-isa

- Ikinuwento ng dalawa kung paano nauwi sa pag-iibigan ang kanilang pagkakaibigan na noong una ay panay biruan lang

- Ibinahagi din ng dalawa ang ilan sa mga detalye ng kanilang relasyon at tungkol sa kanilang pagtingin sa isa't-isa

- Marami ang kinilig at nagbahagi ng kanilang kasiyahan para sa dalawa na parehas dumaan sa kontrobersiyal na breakup

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang video ng Star Magic YouTube channel, kumasa ang magkasintahang Diego Loyzaga at Barbie Imperial sa Out Of The Box challenge.

Dito ikinuwento ng dalawa na una silang nagkakilala noong 2018 ngunit naging magkaibigan lang umano sila.

Nang nawala si Diego sa showbiz, isa umano si Barbie sa nangamusta sa kanya at doon niya nakita na tunay siyang kaibigan.

Heart Evangelista, binunyag kung gaano kabait si Maja Salvador
Barbie Imperial at Diego Loyzaga, inamin kung paano nagsimula ang relasyon nila

Photo from Barbie Imperial (@msbarbieimperial)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ipinagpaalam siya ni Barbie sa ina ni Diego para makasama ito sa outing nilang magkakaibigan. Nilinaw ni Barbie na noong mga oras na iyon ay magkaibigan lang din sila.

Nagsimula ang relasyon nila nang mag-out-of-town silang dalawa. Doon siya tinanong ng aktor kung sila na.

Kwento pa ni Diego, sa mismong lakad nila niya napagtantong mahal niya na si Barbie.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Para sa Out of The Box Challenge, ginawa nila ang ilang mga dare na ibinigay sa kanila. Dito ibinahagi nila kung ano ang kanilang ipinagpapasalamat sa isa't-isa.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Carlos Diego Loyzaga o mas kilala bilang Diego Loyzaga ay isang aktor, modelo at video jockey. Anak siya ni Tereza Loyzaga at Cesar Montano. Matatandaang pansamantalang tumigil sa pag-aartista si Diego matapos dumaan sa depresyon. Ito ay nangyari sa kalagitnaan ng seryeng "Los Bastardos" kung saan isa siya sa bida.

Mag-BFF noong elementarya, nahulog sa isa't isa at naging mag-asawa na

Kinakiligan ng marami ang mensahe ni Diego kay Barbie na nagpapasalamat sa pagbigay umano nito ng kulay sa huling bahagi ng kanyang 2020.

Kasunod nito ay inamin din ni Barbie ang tungkol sa kanilang relasyon na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan. Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel