Mag-BFF noong elementarya, nahulog sa isa't isa at naging mag-asawa na

Mag-BFF noong elementarya, nahulog sa isa't isa at naging mag-asawa na

- Dating mag-bestfriend lamang sina Stella at Ian noong sila ay grade 5 pa lamang ngunit ngayon, dalawang taon na silang kasal

- Nagkahiwalay man sila ng paaralan noong sila ay nasa high school na, tuloy pa rin ang kanilang komunikasyon

- Hanggang sila ay nag-kolehiyo na, doon tuluyan nang nahulog ang loob nila sa isa't isa

- Aminado naman ang lalake na matagal na siyang may gusto sa kanyang BFF subalit hindi lamang siya makaporma dahil sa mayroon ito noong boyfriend

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpakilig sa marami ang kwento ng mga panauhin sa "Bawal Judgmental" ng "Eat Bulaga" na sina Stella at Ian.

Nalaman ng KAMI na mula pa noong sila ay grade 5 pa lamang, matalik nang magkaibigan ang dalawa.

Kwento pa ni Stella, kahit na lumipat ng paaralan si Ian, dinadalaw pa rin siya nito sa kanilang dating paaralan.

Law student, masaya sa 8 law books na Valentine's gift ng kanyang nobyo
Mag-BFF noong elementarya, nahulog sa isa't isa at naging mag-asawa na

Photo credit: Eat Bulaga (Bawal Judgmental Highlights)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Maging noong sila ay nag-high school na, tuloy pa rin ang kanilang komunikasyon kahit malayo sila sa isa't isa.

Ngunit nang sila ay tumuntong na sa kolehiyo, doon na nagtapat si Ian kay Stella.

4th year college na sila nang maging opisyal na magkasintahan. Makalipas pa ang anim na taon, saka sila nagdesisyong magpakasal.

Kwento ni Ian, matagal na niya talagang gusto si Stella. Hindi lamang daw siya makakuha ng tamang tyempo dahil sa laging may karelasyon noon ang kanyang BFF.

Ngunit ngayon, masaya na silang nagsasama bilang mag-asawa sa loob ng dalawang taon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nag-viral na rider na nag-bike mula Binondo hanggang Cavite, dinagsa ng tulong

Kamakailan, isa ring nakakakilig na kwento ng pag-ibig ang naibahagi sa Bawal Judgmental ng longest-running noontime show sa Pilipinas, ang Eat Bulaga.

Ito ay tungkol sa lalaking nakilala ang kanyang forever dahil lamang sa ₱20 kung saan niya nakita ang numero ng kaibigan nito.

Samantala, isa pa ring kwento ng pag-ibig ang nagpaluha naman sa marami nang ikwento ni Danny Cortezano sa nasabing programa ng Eat Bulaga na pumanaw na ang kanyang misis na si Lorna.

Matatandaang sina Danny at Lorna ay minsan nang nag-viral dahil sa matibay nilang pagmamahalan sa kabila ng 34 na taon nilang agwat sa edad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel