90-anyos, naglakad ng halos 10 kilometro makakuha lang ng COVID-19 vaccine
- Walang nagawa ang isang 90-anyos na babae sa Seattle, USA kundi ang maglakad upang makakuha ng COVID-19 vaccine
- Pahirapan pa umano ang pagkuha ng schedule sa vaccination nito kaya naman laking tuwa niya nang magkaroon ng schedule noong Pebrero 14
- Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkaroon ng snowstorm nang araw ng schedule niya
- Hindi siya nagpatinag kaya kahit na nahuli ng limang minuto, natuloy ang kanyang vaccination
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Napilitang maglakad ang isang 90-anyos na babae sa Seattle, USA matuloy lamang ang kanyang pagkakaroon ng vaccine kontra COVID-19.
Nalaman ng KAMI na nahirapan umanong makakuha ng schedule si Fran Goldman para sa nasabing vaccination.
Kwento nila ng kanyang anak sa CNN, makailang beses silang tumatawag sa kung saan maaring mabakunahan hanggang sa makakuha sila ng slot noong Pebrero 14.
Subalit, sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkaroon ng snowstorm sa araw ng kanyang schedule dahilan upang magkaroon ng makapal na niyebe.
Ayon sa NBC News, hindi nagpatinag si Fran na determinado na makarating sa Children's Hospital kung saan siya mabibigyan ng COVID-19 vaccine.
Siniguro lamang ni Fran na siya ay may makapal na kasuotan, may tungkod, at ang kanyang cellphone kung saan niya nakitang nasa limang kilometro lamang ang kanyang lalakarin.
Subalit hindi lima kundi halos sampung kilometro ang kanyang nilakad kasama na ang lamig at makakapal na snow.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Maayos namang nakarating si Fran sa ospital kahit na limang minuto siyang late para sa kanyang appointment.
“It was not easy going, it was challenging,” pahayag ni Fran ma aminado mahilig talagang maglakad-lakad kaya naman hindi naging hadlang ang matinding snow.
Isa sa mga dahilan kung bakit determinado ang 90-anyos na mabakunahan ay para makalapit na rin ito sa kanyang mga mahal sa buhay na matagal na niyang hindi nakakapiling.
“I can’t wait to be able to hold them, I just want to feel more comfortable,” ayon kay Fran sa panayam sa kanya ng Seattle Times.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa kabila ng paglabas ng vaccine kontra COVID-19, ilang mga eksperto ang nagsasabing maari pa ring tumagal ang naturang virus kaysa sa inaasahan.
Kaya naman sinasabi rin nilang nararapat pa ring ipagpatuloy ang pag-iingat at pagsunod sa iba't ibang safety protocols bilang proteksyon pa rin sa COVID-19.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh