Single mom na OFW, proud sa mga naipundar at sa "soon-to-be engineer' na anak

Single mom na OFW, proud sa mga naipundar at sa "soon-to-be engineer' na anak

- Ibinahagi ng isang OFW ang kwento ng kanyang mga sakripisyo lalo na at siya ay isang single mom

- Laking pasalamat niya sa kanyang mga magulang na maayos na napalaki ang kanyang anak kahit na siya ay nasa malayo para magtrabaho

- Kinakitaan daw niya kasi ito ng kabutihan, pagiging responsable at pagiging tapat sa kanya

- Nakapagpundar na rin siya ng bahay at naibigay din niya ang hiling na motor ng anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Proud mother ang OFW na si Mhimie Mendez dahil sa lumaking maayos ang kanyang anak na "soon-to-be engineer".

Ibinahagi niya sa KAMI ang nakaka-inspire niyang kwento ng buhay kung paano siya nagsikap bilang OFW sa Kuwait at kung paano niya nagagamapanan ang pagiging ina kahit na malayo siya sa kanyang anak.

Kwento ni Mhimie, unti-unti na ring natatapos ang kanyang pinagagawang bahay na isa sa kanyang mga naipundar.

Read also

Driver na naglabas ng hinaing sa kanyang pasaherong may alagang aso, viral

Single mom na OFW, proud sa mga naipundar lalo na sa "soon-to-be engineer' na anak
Photo from Mhimie Mendez
Source: Facebook

"Yung feeling na proud ka kasi may nakikita ka sa perang pinaghihirapan mo. Proud OFW ng Kuwait! wala man akong date noong Valentines may bahay naman na ako at soon may inhenyero na din," pahayag ni Mhimie.

Narito ang kabuuan ng kwento ni Mhimie:

Lumaki anak ko na malayo sa kanya. Lola at lolo niya ang nagpalaki sa kanya. Bago ako nakapagpatayo at napag-aral ang anak ko sa kolehiyo ay naoperahan muna ako dito sa abroad. Yung dapat sana'y pampatayo ko ng bahay, nagastos na sa operasyon.

After 5 months, balik ako sa work dito sa Kuwait then ipon ulit at ng makapag-ipon ulit, pagawa naman ng bahay at paaral sa anak.

Lagi ko sinasabi sa anak ko na malayo man ako, lagi naman ako nakasuporta sa kanya. Hindi ko man siya maalalayan sa paglaki pero sa awa ng Diyos, lumaki naman siya na maayos at hindi nagrerebelde. Ipinaiintindi ko sa kanya kung bakit wala ako sa tabi niya at kung bakit ako nasa abroad. Nauunawaan naman ng anak ko ang sakripisyo ko kaya hindi siya galit sa akin.

Read also

Kathryn Bernardo, di maitago ang kilig sa sagot ni Daniel Padilla sa kanyang mga tanong

Then lahat ng gusto niya, binibigay ko maliban na lamang kung alam kong makasasama sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Lahat ng perang pinadadala ko siya na rin ang naghahawak. Awa naman ng DIyos hindi niya ginagamit sa kung saan-saan lang. Kapag may kailangan siya o may gusto siya, nagpapaalam siya sa akin bago kumuha sa padala kong pera.

Salamat sa Diyos at kahit malayo ako ay lumaking maayos at disiplinado ang anak ko. Salamat din kasi at nakapagpatayo ako ng sarili naming bahay dahil sabi ng anak pag may work na siya, siya naman ang bahala sa akin.

Lahat ng kung ano ang meron ak, lahat ito ay utang na loob ko kay Lord. Siya ang takbuhan ko kapag napanghihinaan ako o gusto ko nang bumigay.

ahat ng kung anu merun aq lahat to utang na loob q kei lord kz xa lagi takbuhan q kpag nabanghihinaan na aq loob at gusto q na bumigay

Read also

Valentine Rosales ng Dacera case, emosyonal sa dami ng birthday greetings na natanggap

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Single mom na OFW, proud sa mga naipundar lalo na sa "soon-to-be engineer' na anak
Photo from Mhimie Mendez
Source: UGC

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nakatutuwang isipin na dumarami ang mga kwento ng tagumpay ng mga kababayan nating OFW.

Tulad na lamang ng isang single mom din at OFW na nakapagpagawa ng "smart house" kung saan nasa iisang gusali ang kanyang negosyo at tahanan.

Mayroon din namang OFW na nakapagpundar ng travel and tours busines na kanya na lamang umanong payayabungin para hindi na siya mangibang bansa pa at mawalay sa mahal sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica