Kathryn Bernardo, di maitago ang kilig sa sagot ni Daniel Padilla sa kanyang mga tanong

Kathryn Bernardo, di maitago ang kilig sa sagot ni Daniel Padilla sa kanyang mga tanong

- Hindi maitago ni Kathryn Bernardo ang kanyang tuwa nang mapapayag niya sa wakas ang kanyang boyfriend na si Daniel Padilla na maging bahagi ng kanyang vlog

- Sa Valentine's Day edition ng kanyang YouTube Channel, itinanong niya kay DJ ang ilang katanungang kanyang inihanda

- Ito umano ang mga katanungang hindi pa niya kailanman naitatanong kay Daniel

- Panay ang tawa at ngiti ni Kathryn sa mga nakakakilig na sagot ni Daniel sa mga tanong tungkol sa kanilang relasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi ni Kathryn Bernardo na masaya siyang napilit niya sa wakas si Daniel Padilla na maging bahagi ng kanyang video na ibabahagi sa kanyang YouTube channel.

Sa isang video na kanyang ibinahagi ngayong Araw ng mga Puso, nagkaroon ng pagkakataon si Kathryn na itanong kay Daniel ang ilan sa mga katanungang hindi niya pa kailanman naitatanong sa kanya.

Ogie Diaz, ibinahagi ang sigalot na naganap sa kanila noon ni Jericho Rosales
Kathryn Bernardo

Photo from Kathryn Bernardo (@bernardokath)
Source: Instagram

Kabilang sa mga naitanong ni Kathryn kay Daniel ay kung may pagsisisi ba ang binata na maaga niyang nakilala at naging kasintahan si Kath.

Sagot ni Daniel, wala umanong siyang pagsisi dahil masaya syang maagang naibigay sa kanya ang babaeng mamahalin niya.

Dagdag pa niya, kahit naman noong naging magkarelasyon na sila ay nagagawa naman niya ang mga bagay na gusto niya kaya wala umano siyang dapat pagsisihan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi din ni Daniel ang ilang bagay na nakakapagpadismayado sa kanya na ginagawa ni Kathryn

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nang tanungin naman kung ano ang isang bagay na pinakapinapahalagahan niya sa kanilang relasyon, "respeto" ang naging sagot ng aktor.

Panoorin ang kabuuang video dito:

Ivana Alawi, ikinuwento ang karanasan nang sigaw-sigawan siya ng isang TV host

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Kathryn Bernardo ay unang nakilala nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Gumanap din siya bilang si Maya sa seryeng "Super Inggo" kung saan pinareha siya kay Makisig Morales.

Sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Kathryn ang kanyang pag-aayos ng kanyang Christmas Tree sa tulong ng event stylist na si Gideon Hermosa.

Samantala, humakot ng parangal ang aktres kasama ang katambal niya sa "Hello, Love, Goodbye" na si Alden Richards sa 2020 Guillermo Mendoza Box-Office Entertainment Awards.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel