Ogie Diaz, ibinahagi ang sigalot na naganap sa kanila noon ni Jericho Rosales

Ogie Diaz, ibinahagi ang sigalot na naganap sa kanila noon ni Jericho Rosales

- Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Johnny Manahan o mas kilala bilang Mr. M, naibahagi ni Ogie Diaz ang kanyang karanasan

- Muli niyang binalikan ang panahon na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Jericho Rosales

- Nag-ugat ang lahat sa kanyang naging komento tungkol sa pagsasalita ni Jericho sa isang panayam

- Kasunod noon ay pinagbawalan ni Mr. M ang mga Star Magic talents na mag-guest sa kahit anong show na kinabibilangan ni Ogie ngunit sa huli ay naayos naman ang kanilang di pagkakaunawaan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbalik-tanaw si Ogie Diaz sa kanyang karanasan bago sila napalapit kay Johnny Manahan o mas kilala bilang si Mr. M. Kamakailan ay nagdiwang ito ng kanyang kaarawan.

Bahagi ni Ogie, nagkaroon ng di pagkakaunawaan sa pagitan nila ni Jericho Rosales na isang Star Magic talent noon matapos niyang magkomento tungkol sa pag-i-Ingles noon ni Jericho.

Kyle Echarri, muntik nang mapikon sa prank ng Gold Squad

Tila hindi naging maganda ang dating ng kanyang komento at nakarating umano ito kay Mr. M na tinitira siya ni Ogie.

Ogie Diaz, ibinahagi ang sigalot na naganap sa kanila noon ni Jericho Rosales

Photo from Ogie Diaz
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito ay nagkaroon umano ng silent ban sa showbiz reporter. Walang Star Magic talent na pinapayagang mag guest sa kahit anong programang kinabibilangan ni Ogie.

Kaya naman nagbigay siya ng mensahe kay Echo at sinabing sana ay maging maayos na sila. Hindi umano siya humingi ng dispensa dahil naniniwala siyang wala siyang masamang nasabi.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dumating naman ang pagkakataong nagkaharap sila ng aktor at nagkakomprontahan. Gayunpaman, naging maayos naman sila at naging mas malapit pa matapos ang insidente.

Naging mas malapit din sila ni Mr. M dahil sa pagiging bukas nito sa mga suggestion niya at ng ibang taong nakatrabaho nila.

Kathryn Bernardo, di maitago ang kilig sa sagot ni Daniel Padilla sa kanyang mga tanong

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na Palibhasa Lalake.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagtanggi ni Ogie na i-endorse ang pelikula ng isang artistang alam niyang nag "yes to ABS-CBN shutdown."

Bilang kilala sa pagiging prangka sa pagbabahagi ng kanyang opinyon, hindi maiwasang makatanggap ng pambabatikos si Ogie. Bumwelta siya sa mga nagsasabing isa siyang "dilawan."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel