Kyle Echarri, muntik nang mapikon sa prank ng Gold Squad

Kyle Echarri, muntik nang mapikon sa prank ng Gold Squad

- Muntikan nang mapikon si Kyle Echarri sa prank na ginawa sa kanya ng mga kaibigan

- Napagdiskitahan siya ng mga kaibigang sina Seth Fedelin, Andrea Brillantes at Francine Diaz matapos akalain si Francine ang kanilang ipa-prank

- Wala siyang kaalam-alam na siya pala ang tunay na biktima ng prank ng tatlong kasamahan sa Gold Squad

- Sa kabila ng panggigipit sa kanya ni Francine, nanatili siyang kalmado at hindi niya magawang magalit sa mga kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Trending sa YouTube ang panibagong video ng Gold Squad kung saan napagdiskitahan ng magkakaibigang Andrea Brillantes, Seth Fedelin at Francine Diaz si Kyle Echarri.

Walang kaalam-alam si Kyle na siya ang magiging biktima ng prank na inakala niyang gagawin nila kay Francine.

Matapos nilang maglaro ng paglipat ng baraha gamit ang kanilang mga pisngi, sinimulan na ni Francine ang kunwaring paghahanap sa kanyang cellphone.

Sophie Albert, nagdadalang-tao na sa panganay nila ng kasintahang si Vin Abrenica
Kyle Echarri, muntik nang mapikon sa prank ng Gold Squad

Photo from Kyle Echarri (@kyleecharri)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agad niyang pinagbintangan si Kyle at sinabing ito lang naman umano ang mahilig magtago ng kanyang telepono.

Hindi siya tinigilan ni Francine hanggang sa tila sumeryoso na ang mukha nito at hindi nagugustuhang sa kanya ibinibintang ang pagtago sa cellphone ni Francine.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Kahit halatang apektado na, nanatiling kalmado si Kyle at hindi niya magawang magalit kay Francine kaya naman, marami sa KyCine fans ang kinilig ng todo:

Ang haba ng pasensya ni kyle when it comes to chin. My kycine heart is so busog na naman with this vlog masyado nilang tinamisan. Lord penge naman isang Kyle jan baka naman..
Ang lakas tlga mgpakilig ng kycine lakas ng chemistry nilang dlawa super bagay sila kahit di sila mging super sweet andun yung kilig sa mga mata nila ano ba meron sa inyo? super lakas ng impact nyo!
Janella at Marcus, ibinahagi sa kanilang vlog ang unang flight ni Baby Jude
Ang cute nilang mag-away! Yung pinipilit ni Kyle na mag-explain ng kalmado kay Chin kahit offended na sya..haaayyy my KyCine heart..

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Sila Kyle Echarri at Francine Diaz ay unang itinambal sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nabuo ang tambalang kung tawaging ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Sa nabuong tambalan, napalapit na rin sila sa pamilya ng bawal isa. Inamin ni Francine na nakasama niya nang mag-lunch ang pamilya ni Kyle.

Ilang beses na ring naitatanong sa kanilang dalawa kung ano na nga ba ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa at palagi nilang sinasabing sila ay malapit na magkaibigan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel