Kylie Padilla, nais muna makapagpahinga at mabigyan ng oras ang sarili

Kylie Padilla, nais muna makapagpahinga at mabigyan ng oras ang sarili

- Naging usap-usapan ngayon ang mga naging social media posts ni Kylie Padilla

- Matapos ang kanyang mga makahulugang mensahe, hindi nakaligtas sa pang-iintriga ang relasyon nila ng asawang si Aljur Abrenica

- Gayunpaman, matapos niyang i-post ang panibagong picture ng kanyang mag-aama, nabawasan ang pag-aalala ng kanilang mga tagahanga

- Pansamantala munang hindi tatanggap ang Kapuso actress ng guestings at lock-in taping para makapagpahinga at mapagtuunan ang sarili

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa gitna ng mga isyung ipinupukol sa pagsasama nila ng asawang si Aljur Abrenica, nanatiling tikom ang bibig ni Kylie tungkol sa napapabalitang pagkakaroon nila ng problemang mag-asawa.

Gayunpaman, dahil sa kanyang mga post na binigyang kahulugan ng karamihan, lumalabas na nagkaayos na ang mag-asawa matapos ang tampuhan.

Kylie Padilla, nais muna makapagpahinga at mapagtuunan ang sarili
Photo from Kylie Padilla (kylienicolepadilla)
Source: Instagram

Sa isang ulat ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras", ilang malalapit sa aktres ang umano'y nagbahagi ng ilang detalye.

Read also

Sexbomb Jopay Paguia, buntis na sa ikalawang anak nila ni Joshua Zamora

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa nasabing ulat, humihingi muna ng panahon si Kylie Padilla para makapagpahinga at mapagtuunan ang kaniyang sarili pagnatapos niya na ang lahat ng kanyang mga commitments at endorsement.

Ayon pa sa source na malapit sa actres, nagpunta umano si Kylie at ang kaniyang mga anak sa bahay ng amang si Robin Padilla, pati sa Pampanga sa kapatid ng kaniyang ina nitong mga nakaraang araw para magbakasyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Aminado umano si Kylie na hindi madali para sa kanya ang maging hands-on mommy para sa dalawang anak nila ni Aljur.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Kylie Padilla ay isang Kapuso artist na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Engcantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan.

Read also

Vicki Belo, dinasalan si Hayden Kho na noo'y "na-coma" sa tindi ng kontrobersiya

Matatandaang nag-ugat ang paglabas ng bali-balitang may problema ang mag-asawa matapos mapansin ng mga netizens na halos burado na sa Instagram ni Kylie ang mga litrato ni Aljur. Marami din sa kanyang post ang tila may kaugnayan sa pinagdadaaanan nila ni Aljur.

Kasunod nito ay napawi ang pangamba ng kanilang fans matapos ibahagi ni Lylie ang isang litrato kung saan kasama ni Aljur ang mga anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel