Aljur Abrenica, inamin ang tungkol sa problema nila ng asawang si Kylie Padilla

Aljur Abrenica, inamin ang tungkol sa problema nila ng asawang si Kylie Padilla

- Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita si Aljur Abrenica tungkol sa pinagdaanan nilang mag-asawa

- Inamin niyang mayroon silang pinagdaanan kamakailan ni Kylie Padilla at inamin niyang hindi nila na-kontrol ang pagbabahagi sa social media

- Kaya naman mabilis kumalat ang haka-hakat at espikulasyon tungkol sa kanilang pagsasama

- Inaayos umano ng mag-asawa ang kanilang pagsasama at gagawin nila ang mas makakabuti para sa anak nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na ang aktor na si Aljur Abrenica kaugnay sa espikulasyong hiwalay na sila ng asawang si Kylie Padilla. Ang kanyang pagbahagi ng pahayag ay naganap sa virtual story conference ng upcoming Vivamax movie na Nerisa ayon sa ulat ng Pika-pika.

Aljur Abrenica, inamin ang tungkol sa problema nila ng asawang si Kylie Padilla
Aljur Abrenica, Kylie Padilla and their son Alas Joaquin (@ajabrenica)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ina na PWD, mag-isang tinataguyod ang dalawang anak; natulungan ng RTIA

Hindi na pinaliwanag ng husto ni Aljur ang kanyang pahayag ngunit inamin niyang nagkaroon sila ng problemang mag-asawa.

“Ang masasabi ko, lahat tayo may pinagdadaanan...nagka-problema kaming dalawa at na-mismanage namin when it comes to posting...na-spread sa mga tao,."

Gayunpaman, nilinaw niyang maayos sila at nag-uusap. Ginagawa umano nila kung ano sa tingin nila ang makakabuti sa kanilang pamilya.

Mayroong dalawang anak ang mag-asawa- si Alas Joaquin, 3; at Axl Romeo na one and a half years old.

Sa kabila nga ng mga balitang nagkahiwalay sila, noong Mother's Day ay binati pa rin ni Aljur si Kylie.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Kylie Padilla ay isang Kapuso artist na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Engcantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan.

Read also

Meryll Soriano, deadma sa mga bashers sa pag-iibigan nila ni Joem Bascon

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang nag-ugat ang paglabas ng bali-balitang may problema ang mag-asawa matapos mapansin ng mga netizens na halos burado na sa Instagram ni Kylie ang mga litrato ni Aljur. Marami din sa kanyang post ang tila may kaugnayan sa pinagdadaaanan nila ni Aljur.

Kasunod nito ay napawi ang pangamba ng kanilang fans matapos ibahagi ni Lylie ang isang litrato kung saan kasama ni Aljur ang mga anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel