Ina na PWD, mag-isang tinataguyod ang dalawang anak; natulungan ng RTIA

Ina na PWD, mag-isang tinataguyod ang dalawang anak; natulungan ng RTIA

- Natulungan ng 'Raffy Tulfo in Action' si Dolores Mariño at mga anak nito

- Natutulog lamang ang mag-iina sa pedicab na gamit nila sa pamamalimos at pangangalakal

- Sinasabing may kaunting problema sa pag-iisip ang ina gayundin ang bunso nitong anak

- Gayunpaman, sinisikap nitong buhayin ang mga anak kaya naman binigyan sila ni Raffy Tulfo ng pagkabuhayan upang hindi na mamroblema sa kanilang pang-araw araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakarating na sa programa ni Raffy Tulfo ang nakakadurog ng puso na kalagayan ng ina na si Dolores Mariño at dalawang mga anak nito.

Nalaman ng KAMI na mag-isang binubuhay ni Nanay Dolores ang kanyang mga anak.

Ayon sa mga kapitbahay nito, tila may bahagyang problema ito sa pag-iisip kaya naman mas lalo nila hinangaan si Nanay Dolores kung paano nito naitataguyod ang kanyang mga anak sa kabila ng kanyang kalagayan.

Read also

Mister na may stage 4 cancer, hands-on pa sa kanilang 'dream house' bago pumanaw

Ina na PWD, mag-isang tinataguyod ang dalawang anak; natulungan ng RTIA
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Sinadya pa talaga ng staff ni Raffy Tulfo ang kinaroroonan nina Nanay Dolores at kanyang mga anak.

Mayroon naman itong tirahan bukod sa pedicab na kanilang tinutuluyan kapag sila ay nangangalakal o namamalimos.

Ngunit problema talaga nila ang mga gastusin sa araw-araw gayundin ang pambayad nila sa kuryente.

Nagbibigay naman umano ang ama ng mga bata subalit hindi raw ito sasapat para sa pangangailangan nilang mag-iina.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dahil dito, binigyan ng programa ni Tulfo si Nanay Dolores ng bago at mas maayos na pedicab kung saan nilagyan na rin niya ito ng mga paninda na maaring pagkakitaan.

Binigyan din sila ng mga bigas at groceries nang sa gayon ay maibsan ang pamomroblema ng mag-iina sa kanilang makakain.

Labis na nagpapasalamat si Nanay Dolores sa hindi inaasahang biyaya ay ipinangako niyang sisinupin at palalguin ang kanyang munting negosyo.

Read also

Meryll Soriano, deadma sa mga bashers sa pag-iibigan nila ni Joem Bascon

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.3 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ilan sa mga natulungan kamakailan ni Tulfo ay ang twin beatboxer ng Cebu na binigyan niya ng surpresa ang pamilya.

Gayundin ang kambal na bulag na iniwan na ng kanilang ina sa kanilang lola. Nabigyan niya ng tulong pinansyal ang lola, mga laruan ang mga bata at iba pang mga pangangailangan nila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel